Sadiq (115)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MAKARAANG kumpirmahin ng doctor na cancer-free na nga si Gina, ipinasya nila ni Sadiq na magtungo sa chapel ng ospital at muling nagdasal at nagpasalamat sa Diyos.

Nang makauwi, agad nilang sinabi sa tatlong anak na 100 percent nang walang cancer ang kanilang mommy. Masayang-masaya ang tatlo.

Kinagabihan, nag­­yaya si Sadiq na mag­selebreyt uli sila. Ikalawang pagsese­lebreyt nila. Pero mas masaya sila ngayon sapagkat tiniyak na nga ng doctor na wala nang cancer si Gina. Isang napakagandang regalo sa ka­nilang mag-anak.

“Wala akong ka­singsaya Daddy!” sabi ni Gina habang hawak ang kamay ni Sadiq at ng isang anak.

“Ang sarap na wala na tayong problema sa health mo. Sobra-sobra ang saya ko Mommy. Ayaw ko nang matapos ang sandaling ito,’’

Habang naglala­kad silang mag-anak, pakiramdam nila ay nakatapak sila sa ulap.

Sunud-sunod ang magandang nangyari sa kanilang buhay --- paggaling sa sakit ni Gina at ang hindi mapigilang paglobo ng kanilang SADIQ FRIESSARAP.

Ano pa ang hihi­lingin nila sa pagkakataong iyon?

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with