^

True Confessions

Sadiq (98)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ILANG linggo pa at nag-operate na ang SADIQ FRIESSARAP nina Sadiq. Tulung-tulong silang mag-anak sa pagpapatakbo. Madaling matuto ang tatlong anak. Matatalino talaga ang mga ito at responsable.

Lahat nang nalaman ni Sadiq sa mga dinaluhang seminar ay itinuro niya sa mga anak. At hindi niya akalain na mas madali pa ngang matuto ang mga ito.

Nang mga sumunod na araw ay parami nang parami ang mga customer. Tama ang projection ni Sadiq na magandang site para sa food business ang lugar dahil malapit sa terminal at iba pang establishment. Kapag mer­yenda time, maraming nagtutungo sa kanilang stall.

Makalipas ang isang linggo, lalo pang dumami ang customer at hindi makapaniwala si Sadiq sapagkat tumaas ang order niya ng mga produktong kailangan sa tindahan. Patok ang camote fries na iba’t iba ang flavor. Halos hu­mabol ito benta ng potato fries.

Nagdagdag siya ng order sa supplier. Kulang na kulang na ang dating order niya ng camote. Madaling ma­ubos sapagkat napaka­sarap daw. Ibang klase ang pagkakaluto ng camote fries.

Sa gabi, nag-uusap-usap silang mag-anak ukol sa kanilang negosyo. Marami pang plano si Sadiq at sinasabi niya iyon sa mga anak.

“Mabilis ang pag-asenso ng ating negosyo, mga anak. Maganda ang feedback. Masarap daw ang ating fries.”

“Talaga namang masarap Daddy. Kakaiba ang naisip mo sa camote fries kaya naman laging bina­balikan,” sabi ng panganay na si Cath.

“Oo nga Daddy, napa­kasarap talaga!” sabi naman ni Jess.

“Maski mga classmate ko, sobrang nasasarapan, Daddy,” sabi naman ni Myrr.

“Kaya lalo pa nating pagbubutihin ang pagpapatakbo. Kailangang hindi magbago ang lasa at pati ang pagsisilbi sa customer.’’

Tuwang-tuwa rin si Gina sa nangyayaring pag-unlad ng kanilang negosyo. Kahit mayroon siyang dinadalang sakit, gumagaan na ang kanyang kalooban.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with