^

True Confessions

Sadiq (94)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BIGLANG naisip ni Sadiq, bakit hindi ang tatlong anak na babae ang pag-isipin niya ng pangalan ng kanilang itatayong food business. Kabataan ang target niyang customer kaya madaling makakaisip ang kanyang mga anak para rito. Isa pa, matatalino ang kanyang mga anak kaya madaling makakaisip ng pangalan para sa kanilang pagkaing fries. Napangiti si Sadiq, ha­hayaan niyang ang mga anak ang magbigay ng pa­ngalan. Bawat isa sa mga anak ay paghahandain niya ng pangalan. Kung sino ang pinakamaganda, yun ang magiging pangalan ng kanilang negosyo.

Nang umuwi siya ng bahay, sinabi niya ang balak kay Gina.

“Aba maganda ang na­isip mong ‘yan, Daddy. Tiyak na makakaisip agad ang mga anak mo ng angkop na pangalan sa ating business.’’

“Sa palagay mo, matutuwa sila sa naisip ko?’’

“Oo.’’

“Sino kaya sa kanila ang makakapagbigay ng magandang pangalan.’’

“Excited ako Daddy! Pu­wede ba akong sumali? May naisip na akong name sa ating fries business.’’

“Ano ang naisip mo?’’

“Secret muna. Baka ako ang ma­nalo, he-he-he!’’

“Sige sumali ka.’’

“Okey. Basta may naisip na ako.’’

“Sabihin mo na sa akin, Mommy.’’

“Ayoko. Sasabihin ko kapag mayroon nang naisip ang mga anak mo.’’

“Ang daya nito.’’

Pagdating ng tatlong anak mula sa school, sinabi nina Sadiq at Gina ang balak.

Tuwang-tuwa ang tatlo.

“Sige Daddy, mag-iisip ako ng pangalan. Kailan ang deadline?’’ sagot ng panganay.

“Bukas. Ganito ring oras.’’

“Okey. Payag ako.’’

“Ako rin Daddy, mag-iisip ako!” sabi ng ika­lawa.

“Ako rin siyempre. May naisip na nga ako, he-he-he!” sabi naman ng pa­ngatlo.

“Okey bukas ang deadline ha? Kahit ilang pangalan, puwede. Para marami tayong pagpilian.’’

“Excited na ako Daddy,” sabi ng panganay at yumakap kay Sadiq. Nagsu­nuran ang dalawa pa sa pagyakap sa ama.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(94)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with