^

True Confessions

Sadiq (88)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SANA, siya na lamang ang nagkasakit at hindi si Gina.

Iyon ang nasasabi ni Sadiq sa sarili kapag nakikita ang asawa na nahihirapan sa taglay na sakit. Napakabait ni Gina at napaka-ulirang ina at hindi nararapat na pahirapan ng sakit. Bakit kaya si Gina pa?

Ilang beses napahinga nang malalim si Sadiq. Sadyang mahiwaga ang buhay ng tao. Kung sino yung mabait ang nagkakasakit. Wala talaga siyang maipipintas sa asawa. Walang-wala! Perpektong asawa si Gina.

Kaya hindi nga niya maiwasang itanong kung bakit si Gina pa ang nagkasakit. Bakit siya pa ang kailangang dumanas ng ganitong pagsubok sa buhay?

May pagkakataon na biglang lalapitan ni Sadiq si Gina habang ito ay nakaupo sa sopa sa salas at bigla niyang yayakapin at paghahahalikan.

Gulat na gulat si Gina.

“Bakit mo ako niyakap at hinalikan, Daddy?’’

“Basta gusto kitang halikan.”

Napangiti si Gina.

“Mahal na mahal kita,” sabi pa ni Sadiq.

“Ayaw mo akong mawala, Daddy?”

“Ano ba namang tanong yan?’’

“Sagutin mo ako, Daddy.”

“Siyempre naman ayaw kong iiwan mo ako.’’

“Mahal mo talaga ako?’’

“Mahal na mahal!”

Kapag nagtutungo sila sa ospital para sa chemo theraphy, masuyung-masuyo na inaalalayan ni Sadiq ang asawa.

“Hindi ka ba napapagod sa pag­sama sa akin dito, Daddy?’’

“Hindi! Kahit kailan, hindi ako mapapagod!”                                      (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with