Sadiq (87)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

“PARANG nawawalan na ako ng pag-asa, Daddy,” sabi ni Gina na hinawakan ang palad ni Sadiq. “Parang hindi na ako magtatagal!’’

“O di ba sabi mo sa akin, pawang positibo ang iniisip mo. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Gagaling ka. Maraming may cancer ang gumaling.’’

Bumuntung-hininga si Gina. May luha pa rin sa mga mata.

“Maniwala ka Gina. La­ging positibo ang isipin mo. Huwag kang patatalo.’’

“Ganun ang iniisip ko, Daddy pero parang bumibigay ang katawan ko. Kahit isipin ko iyon, parang hindi na makakaya.’’

“Kaya mo Gina. Basta magtiwala ka!’’

Humawak pa nang mahigpit si Gina sa palad ni Sadiq. Pinisil ni Sadiq ang palad ng asawa.

Naisip ni Sadiq, hindi talaga maiaalis kay Gina na mag-isip ng negatibo dahil marami nang namatay sa cancer. Kahit pa nga naging negatibo na pagkaraan ng gamutan, bumabalik ang sakit. Nagiging aktibo ang cancer cell. Mas lalo pang tumapang.

Iyon marahil ang naiisip ni Gina kaya nagiging negatibo ang pananaw.

Minsan, nakikita niya ang asawa na nakatingin sa kawalan. Nag-iisip na naman ang mahal niyang asawa. Kung maari lang, siya na ang umako sa sakit nito. Naaawa siya kay Gina. (Itutuloy)

SADIQ(87)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with