^

True Confessions

Sadiq (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HANGA ako sa’yo Sadiq,” sabi ni JayR. “Nagtagum­pay kang kalabanin ang sarili mo.’’

“Maaari namang mang­yari ang lahat kung gugustuhin ng bawat isa.’’

“Tama ka, Sadiq. Idol talaga kita.’’

“Binobola mo na yata ako JayR.’’

“Hindi! Idol talaga kita.’’

“Salamat uli.’’

Hanggang sa may ma­alala si Sadiq.

“Siyanga pala, JayR, e di ngayon, alam mo na kung bakit tinatawag tayong­ couple nina Pakito at iba pang kasama natin. Malinaw na sa’yo ngayon.’’

Nagtawa si JayR.

“Oo, Sadiq, malinaw na ang lahat. Hindi na ako magtataka.’’

“Ang akala nila e couple tayo, ha-ha-ha!’’

“Hindi nila alam na lala­king-lalaki ka na.’’

“Hindi na lalakwe, ha-ha-ha!’’

“Kaya sa susunod at biniro ako ni Pakito ukol dun, magtatawa na lamang ako. Tatawanan ko na lamang ang gago.’’

“Ganyan nga, JayR. Padaanin mo sa kanang taynga at palabasin mo sa kaliwang taynga kapag may nagbiro sa’yo.’’

“Hindi na ako maiinis o magagalit dahil hindi naman totoo.’’

“Tama.’’

Pero nagtaka sina Sadiq at JayR sapagkat mula noon, wala nang nagbibiro sa kanila. Maski si Pakito ay tahimik na. Kapag nakita sila ng mga itong magkasama mula sa Batha ay wala nang sinasabing pang-iinsulto.

“Aba himala, JayR wala nang nagbibiro sa atin.’’

“Bakit kaya Sadiq?’’

“Baka nagsawa rin sila.’’

“Mabuti naman.’’

Ilang beses pa nilang napatunayan na talagang hindi na sila binibiro o inaasar ng ilang kasama sa trabaho.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with