^

True Confessions

Sadiq (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AYAW akong tigilan ng baklang si Jeremy. Huwag daw akong maging plastic. Sundin ko raw kung ano ang sinisigaw ng puso ko. Sumama raw ako sa kanya sa Pink Eagle para mabuhay muli ang dugo ko. Masisiyahan daw ako sa mga nangyayari sa gay bar. Tinapik-tapik pa ng bakla ang harapan ko pero tinabig ko ang kamay niya. Gulat ang bakla.

“Sabi ko, tigilan na niya ako dahil kahit na anong panunukso at pagpapatakaw niya sa akin, wa epek na dahil nagbago na ako. Maligaya ako sa piling­ ng aking asawa at tatlong babaing anak. Wala na akong mahihiling pa. Lahat nang katangian ng isang babae, nasa asawa ko na at mahal na mahal ko siya. Wala nang hihigit pa sa kan­ya. Kaya mariin kong sinabi sa bakla, tigilan na niya ako. At kapag hindi niya ako tinigilan, babasagin ko ang mukha niya.’’

“Ano ang sabi ng bakla, Sadiq?’’

“Namutla siya. Kulot na kulot ang boses na nagso-sorry sa akin. Hindi na raw mauulit at saka biglang nagpaalam. Nag­mamadaling umalis.’’

“Akala siguro e bakla ka pa Sadiq.’’

“Maaari nga.’’

“Mula nun hindi na kayo nagkita ng bakla?’’

“Hindi na. Natakot na siguro dahil ang sabi ko, babasagin ang mukha niya.’’

Napahagalpak ng tawa si JayR.

‘‘Ikinuwento ko nga kay Gina ang pangyaya­ring iyon at pakiramdam ko, lalo niya akong minahal. Niyakap ako at pinaghahalikan.’’

Napangiti si JayR. Humahanga siya kay Sadiq dahil sa ipina­kita nitong determi­nasyon. Lalo pa niyang naging idolo ang kaibigan.

“Wala na siguro akong maikukuwento JayR. Halos lahat nasabi ko na sa’yo.’’

“Ganda ng story mo, Sadiq.’’

“Salamat, JayR.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with