Sadiq (34)
“ANO Sadiq, di ba mas okey kung couple ang kukunin ni Bossing. Hindi sila mahohomsik dahil pareho silang narito. Hindi mamamaltrato ang maid, dahil kasama ang asawa. Ano sa palagay mo Sadiq?’’ sabi ni JayR.
“Tama ka JayR. Palagay ko papayag si Bossing Al-Ghamdi na couple ang kunin niya sa Pinas.’’
‘‘Sabihin mo agad sa kanya bukas, Sadiq.’’
“Oo, JayR. Mabuti at naisip mong couple ang kunin.’’
KINABUKASAN, sinabi ni Sadiq sa kanyang bossing na si Saleh Al-Ghamdi ang tungkol sa pagkuha ng maid.
Ipinaliwanag niya rito na mas maganda kung couple ang kukunin sa Pinas. Sinabi niya ang magagandang dahilan gaya nang hindi mahohomsik, hindi nababawasan ang sipag at responsible.
Payag na payag si Bossing.
“Good idea Salustiano. Shokran jazilan!’’ sabi nito na ang ibig sabihin ay salamat.
“Allan wa sahlan,” sagot ni Sadiq. Walang anuman. (Itutuloy)
- Latest