^

True Confessions

Sadiq(31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AKALA ko lumabas ka?” sabi ni JayR na tinatakpan ng towel ang harapan dahil naka-brief lang siya. Tiwala kasi siyang nasa labas ng room si Sadiq.

“Galing na nga ako sa labas. May binila lang ako sa store.’’

“E bakit naka-brief ka na rin?’’

“Maliligo na rin ako.’’

“Ang bilis mo namang bumili. Matagal ka na ba rito sa kuwarto?’’

“Ano, kararating ko lang.’’

Hindi sinasadyang napatingin si JayR sa “bukol” ni Sadiq. Nagtataka talaga siya dahil bakit naka-brief na ito at nasa may pintuan na ng banyo. Ano kayang ginagawa sa may pinto. Sinisilipan kaya siya ni Sadiq? Kasi’y hindi siya nagla-lock ng pinto ng banyo. Baka sinisilipan siya ni Sadiq ah?

“Ako naman ang maliligo JayR. Init na init na ako.’’

Pumasok si Sadiq sa banyo.

Habang nagbibihis si JayR, kung anu-ano ang naiisip niya ukol kay Sadiq. Parang duda na siya sa kaibigan? Baka nga totoo ang sinabi ni Pakito ukol dito.

ISANG umaga, busy sa ginagawa sa office sina Sadiq at JayR nang biglang dumating ang kanilang boss na si Saleh Al-Ghamdi.

“Salustiano, taeal!’

Pinalalapit siya ni Al-Ghamdi.

Takang-taka si Sa­diq.

“Ano kayang ipa­gagawa sa akin ni pogi?”

“Puntahan mo na Sadiq.’’

“Landiin ko kaya si Pogi!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(31)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with