Sadiq(24)
HABANG pauwi sina Sadiq at JayR sakay ng minibus patungo sa kanilang tirahan, patuloy ang masaya nilang pagkukuwentuhan. Ang topic pa rin nila ay ang matatalinong anak ni Sadiq. Pawang ga-graduate na may honor ang tatlong anak na babae. Masayang-masaya si Sadiq sa balitang iyon.
“Nawala ang homesick ko JayR. Talagang mahusay na pantanggal ng lungkot ang magandang balita mula sa Pinas. Lalo pa kung pawang matatalino ang mga anak. Walang kasing saya itong nararamdaman ko.’’
“Kitang-kita nga sa mukha mo at kilos, Sadiq.’’
“Ang sarap talaga! Parang gusto ko nang umuwi bukas.’’
“Puwede ka namang umuwi di ba?’’
“Oo. Pero sa isang taon na lang para malaki-laki ang maiuwi kong pera. Gusto ko pag-uwi e maipasyal nang todo ang asawa ko’t anak. Pupunta kami sa Baguio. Hindi pa nakakarating sa Baguio ang mga anak ko.’’
“Sarap naman.’’
“Pag may panahon pa, pupunta kami sa Puerto Galera. Maganda ang beach dun.’’
“Maganda nga roon. Nakapunta na ako minsan.’’
“Tapos manonood kami ng sine.’’
“Sarap naman.’’
ISANG gabi, nagising si JayR na nagsusulat si Sadiq. Nang tingnan niya ang relo, pasado ala una ng madaling araw.
“Anong sinusulat mo Sadiq?’’
“Para kay Misis.’’
“Gabing-gabi na .’’
“Matatapos na ito.’’
Bumalik sa pagtulog si JayR.
(Itutuloy)
- Latest