Sadiq (23)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

NATAPOS ang pagtawag ni Sadiq sa telepono.

“Tayo na JayR. Magpapadala naman ako ng pera sa mag-iina ko.’’

Lumakad sila patu­ngo sa Al-Rahji Bank na ilang hakbang lang ang layo mula sa telephone booth. Hindi pa uso nun ang cell phone.

“Bakit ang saya mo Sadiq?’’

“Sino ba naman ang hindi ma­sisiyahan e bi­nalita ng misis ko na pawang honor student ang mga anak kong babae.’’

Wow ang galing! Mana sa papa!’’

“Mana sa ina, ha-haha!’’

“Congrats, Sadiq.’’

“Kaya nga magpa­padala ako ng pera nga­yon para sa graduation fee at iba pa. Sasairin ko ang laman ng bulsa ko. Di baleng maubusan ako rito wag lang ang mag-iina ko. Mas mahirap kung sila ang magigipit.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with