^

True Confessions

Sadiq (22)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ISA pang ipapayo ko sa’yo JayR, huwag kang gagaya sa mga kasamahan natin dito na pag-araw ng suweldo, bili rito, bili roon. Para bang galit na galit sa pera. Hindi­ marunong mag-ipon­ kaya walang n­aisi-save pagdating ng araw. Akala yata, ha­bampanahon dito sa Saudi,’’ sabi ni Sadiq.

“Tatandaan ko ang mga sinabi mo Sadiq.’’

“Meron tayong mga kasamahan na bumi­bili ng mga malala­king TV, component, at kung anu-ano pang mga appliances. E madali namang magpalit ang mga ‘yan! Maya-maya e lipas na sa uso. At saka marami na rin sa Pinas ng mga yan. Hindi ka pa gagastos sa cargo. Maaaring ma­sira pa habang tinatransport.’’

Napatangu-tango si JayR. May katwiran si Sadiq. Malaki na nga ang karanasan nito sa Saudi.

“Marami na akong karanasan dito sa Saudi kaya kita pinapayuhan JayR. Makakatulong ang mga sinasabi ko.’’

“Susundin kita, Sadiq.’’

ISANG Bi­­­yernes, niyaya ni Sa­­diq si JayR sa Batha para tumawag sa telepono. Noon uso pa ang mga teleponong hinuhulugan ng bar­ya. Habang tu­mata­wag si Sadiq, nakaabang si JayR. Tawa nang tawa si Sadiq habang naki­ki­pag-usap. Masa­yang-masaya siya.

Ano kaya ang dahilan?

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with