^

True Confessions

Sadiq (6)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAGANDA rito sa kuwarto natin at may ref. Dun sa kuwarto mong pinanggalingan, wala di ba?’’ sabi ni Sadiq.

Nakita ni JayR ang maliit na ref sa sulok.

‘‘Ref mo yan, Sadiq?’’

‘‘Oo. Binili ko yan sa Manfouha. Mura lang yan – 50 riyals. Dito kasi sa Saudi pag medyo luma na binibenta na ng mura. Yung mga mayayamang Saudi madalas magpalit ng gamit. Maraming mabibili sa Manfouha. Minsan punta tayo roon.’’

‘‘Sige.’’

‘‘Pagnauhaw ka, kuha ka lang ng Pepsi diyan. Maraming laman yan. May toblerone diyan at saka snickers. Huwag kang mahihiya.’’

“Oo sige.’’

Naisip ni JayR na mabait talaga si Sadiq. Mayroon talagang tao na mahusay makisama sa kapwa. Mabuti na lang at si Sadiq ang una niyang nakilala.

“Ito ba ang una mong trabaho, JayR?’’

“Oo.’’

“Ako pangatlong trabaho ko na ito. Una sa Jeddah, ikalawa sa Dammam.’’

‘‘Beterano ka na pala, Sadiq.’’

‘‘Oo. Pero sa lahat ng na­ging work ko dito ako medyo sinuwerte. Malaki kasi suweldo ko. Sa Jeddah, wahid-wahid lang ang suweldo ko kaya alis agad ako. Sa Dammam, medyo malaki pero pangit ang tirahan namin. Kapag nag-san­d­storm, puma­pasok ang ali­kabok. Isang taon lang ako roon. Aplay uli ako at dito na nga napunta. Na­kasuwerte.’’

“Sana suwer­tehin din ako ka­tulad mo Sadiq.’’

“Oo. Lahat naman tayo susuwertehin lalo kung magsisikap. Basta rito sa Saudi, huwag ka lang bulagsak at magarbo, makakaipon.’’

Napatango si JayR bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sadiq.

Napansin ni JayR ang family picture na nakapa­tong sa table sa gilid ng kama ni Sadiq.

‘‘’Yan ang pamilya mo, Sadiq?’’

‘‘Oo. Yan ang misis ko at tatlong anak.’’

“Ang gaganda nila!’’

“Shokran! Guwapo kasi ang tatay kaya magaganda ang anak.’’

“Oo nga.’’

“Ganda ng misis ko ano?’’

“Oo. Artistahin!’’

Napahagalpak ng tawa si Sadiq.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(6)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with