^

True Confessions

Sadiq (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN kayo nagpunta, Sadiq?’’ tanong ng isa nang makalampas sila sa umpukan.

Tumigil sila.

“Sa Batha. Pinakain ko ng kabsa itong si JayR,’’ kaswal na sagot ni Sadiq na nakangiti pa.

‘‘Owww? Talaga ?’’

‘‘Sa Batha nga. Pata­tabain ko ito.’’

Nagtinginan ang iba pang kasamahan.

“Hindi ka man lang nagdala Sadiq. ‘Yang si JayR na lang lagi ang ina­asikaso mo.’’

Nagtawanan ang iba pa.

Nagtawa rin si Sadiq.

 ‘‘Selos ka?’’ tanong ni Sadiq.

 ‘‘Hindi ah!’’

‘‘Hayaan mo at pagpunta ko sa Batha hindi lang kabsa ang ipasasalubong ko, pati shawarma.’’

‘‘Sinabi mo yan ha? Kapag hindi mo tinupad yan, puputulan kita!’’

Nagtawanan uli.

Nagpatuloy na sila ni Sadiq sa pagtungo sa kani-kanilang room. Malawak ang compound ng kanilang villa. Apat na villa lahat yun na may dalawang palapag. Nasa unang villa sila at nasa ground floor.

Nagsosolo si JayR sa kuwarto dahil hindi pa dumarating ang bagong hire mula sa Pilipinas. Tatlong kuwarto ang pagitan nila ni Sadiq.

Nagpalit ng damit si JayR. Nag-toothbrush pag­katapos. Naglinis ng mukha gamit ang cleanser at bulak.

Eksaktong katatapos niya sa paglilinis ng mukha ay nakarinig siya ng katok.

Binuksan niya.

Si Sadiq!

“Matutulog ka na JayR?’’

“Hindi pa.’’

“Kuwentuhan muna tayo.’’

Naupo si Sadiq sa silya.

May napansin.

‘‘Wala ka pa bang ka-roommate?’’

“Wala pa. Parating na raw.’’

“E di sa room ko na ikaw lumipat. Wala naman akong ka-room­mate.’’

“Sige.’’

“Bukas lumipat ka na. Akong magsasabi sa caretaker dito sa villa. Baka may biglang ilipat sa room ko e di mas mabuting ikaw na!’’

Tumango si JayR.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with