^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NARINIG ni Mommy Donna ang sinabi ni Keiko kay Ruth na bakit hindi pa ito magpakasal kay Joshua.

“Oo nga Ruth, bakit hindi pa kayo magpakasal ni Joshua. Nasa tamang edad na naman kayo.’’

“Pati ikaw Mommy, itinutulak mo na akong mag-asawa?’’

“Oo. Kasi sabik na akong magkaapo. Gusto kong ma­kita kung gaano ka-cute­ ang aking apo sa’yo.’’
Nagtawa si Ruth sa sinabi ng ina-inahan.

“Ikaw talaga Mommy, ayaw mo na yata akong makita kaya pinag-aasawa mo na ako, ha-ha-ha!’’

“Aba hindi, gusto ko ngang makakita na ng apo. Sabik na ako.’’

“Talagang gusto mo nang magkaapo, Mommy?’’

“Oo. Sige na magpa­kasal na kayo ni Joshua.’’

Sumabad si Keiko.

“Sa Japan kayo mag-ho­neymoon at ako ang bahala sa tirahan n’yo! Magandang mag-honeymoon sa Tokyo o Osaka.’’

Kinilig si Ruth. Nag-ima­dyin.

“Sabagay pinag-usapan­ na namin ni Josh ang wedding pero wala pang final. Balak pa lang.’’

“I-finalize n’yo na, anak!” sabi ni Mommy Donna. “Gusto ko talagang makakita na ng apo.’’

“Okey sige. Pagbalik n’yo galing Japan, baka pinal na. Magugulat kayo!’’

“Yeheey!’’ sabi ni Keiko.

Niyakap ni Mommy Donna­ si Ruth.

 

ARAW nang pag-alis ni Mommy Donna at Keiko patungong Japan. Inihatid ni Ruth ang mga ito.

“Pagbalik namin ni Mommy, dapat final na ang wedding plan n’yo. Ang pa­ngako ko para sa honeymoon n’yo, totoo yun.’’

“Oo Keiko, pagdating n’yo magugulat kayo.’’

“Sana nga anak, tuloy na ang kasal n’yo. Sige ingat ka. Babalik kami ni Keiko.’’

“Mag-ingat din kayong dalawa.’’

Niyakap nang mahigpit ni Ruth si Mommy Donna at pagkatapos ay si Keiko.

Pumasok na sa loob ng airport ang dalawa.

(BUKAS, ABANGAN ANG BAGONG NOBELA NI RONNIE M. HALOS. HUWAG KALILIGTAAN.)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with