^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(175)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MARAMING balak para sa akin si Keiko, Ruth,” pagkukuwento ni Mommy Donna.

“Anong mga balak Mommy?’’

“Isasama niya ako sa Japan pag-alis niya. Tapos, after three months balik uli kami rito. Ayaw na niyang mapalayo sa akin. Kung nasaan daw ako, doon siya. Kahit daw gumastos siya nang malaki, okey lang sa kanya.’’

“Wow!’’

“Hindi nga ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa akin, Ruth. Parang sa panaginip lamang magaganap pero totoo pala. Napakaraming blessings ang ibinigay sa akin. ’’

“Kasi’y marami kang nagawang kabutihan. Sa akin na lamang ay napakalaki na nang nagawa mo. Hindi ako nagsasawang ulit-ulitin na dahil sa iyo kaya ako narito sa kinalalagyan ko ngayon. Kung hindi sa’yo, hindi ako magtatagumpay. Ang mga natatanggap mo ngayon, Mommy ay dahil sa ginawa mo ring kabutihan. Ibinalik lamang sa’yo. At palagay ko, marami ka pang matatanggap.’’

“Kayong dalawa ni Keiko ay malaking suwerte na para sa akin, Ruth. Hindi na ako naghahangad pa.’’

“Kahit ayaw mo, dara-ting pa ang biyaya na nakalaan sa’yo. Maniwala ka Mommy.’’

“Naniniwala ako, Ruth. Positive thinker na ako.’’

“Ganyan nga.’’

Nilapitan nila si Keiko na noon ay nakaupo at nanonood ng TV.

“Keiko isama mo rin ako sa Japan,” sabing nagbibiro ni Ruth.

Nagtawa si Keiko.

“Huwag kang tatanggi Keiko. Masama ang tumanggi.’’

“Okey isasama kita. Ipapasyal ko kayo ni Mommy sa Tokyo!’’

“Wow, talaga Keiko? Nagbibiro lang naman ako.’’

“Kahit pa nagbibiro ka Ruth, isasama ko kayo ni Mommy.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(175)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with