^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAM mo nang una akong maka­rating ng Japan, kinabahan ako,” pag­kukuwento ni Mommy Donna kay Keiko.

“Bakit, Mommy?’’

“Siyempre first time at saka batam­bata pa ako nun. Tinatawag kaming Japayuki.’’

“Yes, narinig ko na kay Papa yan nun. Sa isang club sa Tokyo ka naki­lala. Entertainer. Sabi ni Papa, you’re beautiful, charming and napakabait.’’

“At mapagmahal, he-he-he!’’

“Yes, mapagmahal ka talaga. Dama ko rin yun ngayon. Kaya nga mahal na mahal din kita.’’

“Thanks anak.’’

“Sige ituloy mo ang kuwento nang una kang pumunta ka sa Japan.’’

“’Yun nga, kinabahan ako. Kasi nga’y first time. Pero nang tumagal na sa pagiging Japayuki, nasanay na rin. Mas lalo pa nang makilala ko ang Dad mo. Ganun pala pag umiibig, araw-araw masaya.’’

“Talagang na-inlove ka nang todo?’’

“Todo-todo, Keiko.’’

“Hanggang sa tuluyan na kayong nagkaroon ng relasyon?’’

“Yes at ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan.’’

Napangiti ng napakatamis si Keiko.

Nang mga sumunod pang mga araw, lalong naging matibay ang bonding ng mag-ina. Araw-araw silang namamas­yal at kumakain sa labas.             

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with