^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (171)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUWANG-TUWA si Keiko habang namimili ng mga damit at iba pang gamit sa isang sikat na mall sa Divisoria. Halatang sabik na sabik siya sa pamimili.

Nakatingin naman si Mommy Donna kay Keiko. Masayang-masaya siya sapagkat ngayon lamang niya lubos na napagsisilbihan ang anak. Ito rin ang unang pagka­kataon na nakasama niya sa isang pamimili ang anak. Kaya nga kahit ilan pang damit o mga gamit ang bilhin ni Keiko, wala siyang karekla-reklamo. Lahat ay bibilhin niya sapagkat ngayon lang niya maibibili ang anak.

Wala namang problema sa ibibili sapagkat marami siyang perang dala. Binigyan siya nang malaking pera ni Ruth bago ito umalis patungo sa ibang bansa. Alam ni Ruth na maraming bibilhin si Mommy Donna para kay Keiko. Kilos pa lamang ni Mommy Donna ay alam na ni Ruth. Tuwing suweldo, malaki ang perang ibinibigay ni Ruth sa ina-inahan. Lahat naman nang ibinibigay ni Ruth ay iniipon ni Mommy Donna.

“Gusto ko ang damit na iyon Mommy?’’

Itinuro ni Keiko ang isang shorts na denims na nakasabit.

“Sige, Keiko. Pumili ka na lang nang pumili.’’

“Ang bait mo naman, Mommy. Siguro ang dami mong pera!’’

“Oo. Marami. Kaya lahat nang gusto mo, bibilhin ko.’’

“No! Hindi ikaw ang magbabayad. Marami­ akong dalang pera, Mommy­. Lahat iyon ibibigay ko sa’yo!’’

“Meron kang dalang lapad?’’

“Anong lapad, Mommy.’’

“Yen. Yun ang tawag ng mga Pinoy sa Yen.’

“Really? Lapad? Okey, marami akong lapad at para sa’yo yun lahat.’’

Hindi makapaniwala si Mommy Donna.

Hanggang makatapos si Keiko sa pamimili. Umuwi na sila. Masayang-masaya ang dalawa.

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with