^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (170)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PASYAL tayo nga-yon, Keiko,’’ sabi ni Mom­my Donna sa anak isang umaga.

“Saan Mommy?’’

“Sa mall, kakain tayo. Punta rin tayo sa department store at ibibili rin kita ng mga gamit mo like panty, bra, he-he-he! Akong bahala. Yung mga hindi ko nagawa sa’yo nung bata ka pa, ngayon ko gagawin. Ipapasyal kita nang todo!’’

Pero tumanggi si Keiko.

“Huwag na sa mall, Mommy. Sawa na ako.’’

“E saan mo gusto?’’

“Dun sa lugar na mura bilihin. Saan ba yung Divisoria? Na-search ko sa internet marami raw murang bilihin dun.’’

Nagtawa si Mommy.

“Why? Ba’t ka nagtawa Mommy.’’

“A kasi marami ngang mabibili roon pero sobra rin sa dami ang tao roon. Marami ring mandurukot, ha-ha-ha!’’

“Pickpockets? Marami rin sa Tokyo ‘n’yan.’’

“Sige kung gusto mo, dun tayo. Ililibot kita sa maraming tindahan sa Divisoria. Magsasawa ka sa dami at baka mataranta ka kung anong bibilihin.’’

“Yes! Ganyan ang gusto ko. Natutuwa ako sa ganyang market.’’

“Bakit parang sanay ka sa mga ganyang pamilihan?’’

“Diyan sa mga ganyan ako dinadala ni Daddy nun. Ibinibili niya ako ng mga gamit. Bata pa lang ako, diyan sa ganyang market kami pumupunta.’’

“Talaga? Kaya pala.’’

“Isama natin si Ruth at Joshua, Mommy.’’

“Sige. Mahilig din si Ruth sa Divisoria --- ba­tang Divisoria yun ha-ha-ha!’’

Pero hindi nakasama si Ruth dahil nagtungo ito sa ibang bansa nang araw na iyon para sa conference kaya sina Mommy Donna at Keiko na lamang ang nagtungo sa Divisoria. Nagdyip na lamang sila. Si Keiko rin ang may gusto na magdyip na lang.

Tuwang-tuwa si Keiko nang makara-ting sa Divisoria. Hindi malaman kung ano ang bibilhin. Halatang sanay sa ganung kla­seng pamilihan.

“Sige anak, pili ka na nang gusto mo. Akong bahala.’’

“Ang dami nga rito, ha-ha-ha!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(170)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with