^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (154)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG umaga, karara­ting pa lang ni Ruth sa kanyang office ay humahangos na ang ka-office­mate at kaibigang si Men­chie. Parang may mahalagang sasabihin o itsitsismis ito sa kanya. Maagang pumasok si Menchie.

“Ang tagal mo akong pinaglihiman, Ruth!” sabi nito nang makaupo sa harap ng table niya.

“Ano naman yan. Menchie?’’

“Huwag ka nang magmaang-maangan pa at baka sabunutan kita Bru-ha ka!’’

Napahagikhik si Ruth. Sanay na siya sa mapagbirong si Menchie.

“Wala akong kamalay-malay magsiyota na kayo ni Pogi!’’

“Sinong maysabi?’’

“Huwag ka nang magsinungaling at bistado ka na.’’

Nagtawa si Ruth.

“O kitam. Yang tawang yan e pag-amin. Totoo ano? Magsabi ka na bago kita mahambalos ng walis tambo.’’

Tuluyan nang napag-hagalpak nang tawa si Ruth.

Nang tumigil sa pagtawa, nagtapat na.

“Oo na nga. Totoo na!’’

“Sabi na nga ba’t mag-siyota na kayo!’’

“Huwag kang maingay at baka may makarinig.’’

“Hoy Bruha, kalat na kalat na rito.’’

“Paano nalaman?’’

“May nakakita sa inyo habang kumakain sa isang resto. Ang saya-saya raw ninyo.’’

Napangiti na lang si Ruth.

“Anong pakiramdam Ruth? Masarap ba?’’

“Anong masarap?’’

“Kung masarap magmahal si Pogi?’’

Nagtawa uli si Ruth.

Tumango na lang.

“Sayang talaga, dapat ako ang niligawan ni Pogi. Matagal nang laglag ang panty ko eh.’’

“Hoy Menchie, ang bibig mo.’’

Nagtawa lang si Menchie.

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(154)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with