^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA pag-iisa ni Mommy Donna, hindi niya maiwa­sang isipin na darating ang panahon na mag-iisa na lang siya sa condo unit na ito. Darating ang araw na ikakasal sina Ruth at Joshua at siya na lamang ang maiiwan dito. Dadalawin na lamang siya nina Ruth at Joshua.

At nagbibigay iyon ng isipin kay Mommy Donna. Wala na siyang makakausap kapag nagpakasal ang dalawa. Kahit pa sabi ni Ruth ay wala pa silang plano ni Joshua, darating ang kinatatakutan niyang pag-iisa sa buhay.

Hanggang sa maalala niya si Keiko. Sana rito na sa Pilipinas tuluyang mag-stay si Keiko. Sana magkasama na silang mag-ina habambuhay. O kaya, ipagsama siya nito sa Japan. Kahit saan, basta magkasama silang dalawa.

Diyos ko, dinggin mo po ang dasal ko magkasama na kami ni Keiko habambuhay!

Pero parang mahirap ang gusto niyang mangyari. Hindi maa­aring manatili rito si Keiko dahil Japanese national ito. Tatagal lang ng ilang buwan ang stay dito ni Keiko.

At darating din ang panahon na mag-aasawa si Keiko at iiwan din siya.

Napahinga nang malalim si Mommy Donna.

Talagang mag-iisa siya sa hinaharap. Kahit ayaw niya, mangyayari iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with