^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (148)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makipag-chat si Mommy Donna kay Keiko, sinabi na niya rito na may boyfriend na si Ruth. Hindi niya sinabing siyota at baka hindi maintin­dihan.

Masayang-masaya si Keiko para kay Ruth. Itinanong pa kung handsome ang boyfriend ni Ruth. Si­nabi ni Mommy na napaka-handsome at bukod doon ay napakayaman.

Nagbiro si Keiko na kapag siya rin daw ang makikipag-boyfriend ay mayaman din at handsome ang pipiliin.

Nagseryoso si Mommy Donna. Huwag daw mu­nang mag-boyfriend si Keiko dahil bata pa ito.

Sagot naman ni Keiko, nagbibiro lang siya. Wala pa raw siyang plan na makipag-boyfriend. Gusto raw niya kapag stable na ang buhay.

Nakahinga nang ma­luwag si Mommy Donna. Mabait talaga si Keiko at nagpaplano sa buhay.

“See you soon Mommy,’’ sabi nito at nagpaalam na.

MALIGAYA si Mommy Donna kapag nakikitang maligaya si Ruth. Kapag dumadalaw si Joshua, lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Magkasundung-magkasundo ang mga ito. Mukhang sila na nga ang magkakasama ha­bambuhay.

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(148)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with