^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (144)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MOMMY si Joshua po,” pagpapakilala ni Ruth.

‘‘Good evening po.’’

‘‘Magandang gabi rin naman. Halika maupo ka.’’

Naupo sina Ruth at Joshua.

“Diyan muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng maiinom. Coffee o juice?”

“Tubig na lang Mommy. Nag-coffee na kami kanina ni Joshua.’’

Nagtungo na si Mommy Donna sa kusina.

Nagpatuloy sa pagku­kuwentuhan sina Joshua at Ruth.

“Nice condo unit. Kayo na lang ang nag-ayos, Ruth?’’

“Oo. Si Mommy ang pu­mili ng mga kurtina sa Divisoria. Siya lahat ang may idea kaya nagkaroon ng kaayusan.’’

“Mahusay pala siyang interior decorator.’’

“Mahusay din siyang cook. Masarap magluto.’’

“Ang suwerte mo pala. Nagkaroon ka ng inang mahusay mag-alaga.’’

“Mahusay talaga Josh. Di ba naikuwento ko na sa’yo na ampon lang niya ako. Wala akong masasabi kay Mommy. Super Mom talaga siya. Iginapang niya ako sa pag-aaral. At hindi ko ikinahihiyang sabihin na nagbenta siya ng laman para ako maigapang sa pag-aaral. Hanga ako sa kanya. Walang makakapantay sa kanya.’’

Tumangu-tango si Jo­shua.

‘‘Hanga rin ako sa gan­yang babae Ruth. Kung ako ang nasa kalagayan mo, ipagmamalaki ko siya.’’

Napangiti si Ruth.

Makalipas ang isang oras, nagpaalam na si Joshua.

Nang makaalis, tinanong ni Ruth si Mommy Donna kung ano ang masasabi kay Joshua.

“Aprub!’’ sabi ni Mommy Donna.

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(144)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with