Sa Piling ng Kalapati (143)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2018 - 12:00am

“PARANG ang bilis ng pangyayari Joshua, dalawang beses mo pa lang akong naihahatid e mag-on na tayo ngayon,’’ sabi ni Ruth habang naglalakad sila sa park na nasa loob nang malaking mall.

“Ako rin nga nabibi-lisan. Pero siguro ganito ang nararamdaman ng mga totoong in-love.’’

“Huwag mong ipagsasabi sa mga kasamahan ko na mag-on na tayo. Basta ilihim muna natin. Please Joshua.’’

“Oo naman. Wala naman akong balak. At saka hindi na ako pupunta sa department n’yo.’’

“E di ba nag-oobserve ka?’’

“Style ko lang yun para mapalapit sa’yo.’’

Nagtawa si Ruth.

“Sabi ko na nga ba!’’

“Kinutuban ka rin ha?’’

“Oo. Marami kang gimik, Joshua.’’

“Siyempre gagawin ko ang lahat nang paraan para mapalapit sa’yo.’’

“At okey ang mga ideya mo.’’

“Pero hindi ako lahat ang nag-isip niyon.’’
“E sino?’’

“Si Daddy. Botong-boto sa’yo si Daddy. Bilib na bilib sa’yo.’’

Hindi nakapagsalita si Ruth. Nasisiyahan siya sa nalaman na pati ang daddy ni Joshua ay boto sa kanya.

Pasado alas onse na nang ihatid ni Joshua si Ruth sa condo.

Ipinakilala niya kay Mommy Donna si Joshua.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with