^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(122)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NGAYON ko lang nakita. Pumunta na ba yan dito?’’ tanong ni Ruth kay Menchie nang makalampas na ang lalaki na anak daw ni Bossing.

“Matagal na mula nang huling pumunta yan dito. Wala ka nun.’’

“Oo nga. Kung narito ako e di sana nakita ko.’’

“Pogi ano?’’

“Medyo.’’

“Anong medyo? Pogi talaga yun.’’

“E kasi sandali ko lang nakita. Ikaw siguro matagal mong natitigan kaya nasabi mong guwapo.’’

“Guwapo talaga Ruth, laglag nga ang panty ko nang unang makita yan.’’

Napahagikgik si Ruth sa sinabi ni Menchie na laglag-panty.

“Sira ka talaga Menchie. May makarinig sa iyo e akalain landita ka.’’

“E sa talaga namang guwapo ang anak ni Bossing.’’

“Bakit daw narito?’’

“Hindi ko alam. Baka dinadalaw ang daddy niya.’’

“Baka ipinasok dito sa kompanya natin, Menchie.’’

“Posible. Baka siya ang papalit kay Bossing. Di ba may edad na si Bossing?’’

“Baka naman mababang posisyon muna hindi agad manager.’’

“Aba kahit anong posis­yon niyan oks lang sa akin.’’

“Bakit naman?’’

“Lalandiin ko. Baka ma­tipuhan ako e di diyakpat! Mayaman na e guwapito pa.’’

Nagtawa si Ruth.

Mabiro talaga si Men­chie. Lagi siyang napapatawa nito.

“Pilya ka talaga, Men­chie. Sige na, punta ka na sa place mo at baka mag-round si Bossing e makita tayong nagkukuwentuhan dito.’’

Tumayo si Menchie at lumabas ng room ni Ruth.

ISANG umaga, abala si Ruth sa ginagawa sa opisina niya nang may dumating na lalaki.

Ang anak ni Bossing.

“Good morning Mam Ruth.’’

Hindi makapagsalita si Ruth. Pogi nga.

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(122)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with