Sa Piling ng Kalapati (114)
(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

MARAMING nalaman si Mommy Donna sa na­ging buhay ni Toshi dahil sa pagkukuwento ni Keiko. Nalaman niya na mas­yado palang istrikto ang mga grandparents ni Keiko. Pati raw ang amang si Toshi ay apektado ng pagiging mahigpit ng mga lola at lolo nito.

Kaya nabuo ang hinala ni Mommy Donna na talagang ang mga magulang ni Toshi ang may pakana nang lahat kaya siya big­laang pinauwi ng Pilipinas. At ngayon lang din niya nalaman na talagang mahal siya ni Toshi dahil nga ang picture niya ay tinago nito. Hindi itatago ng lalaki ang picture ng babae kung walang pagmamahal.

Hindi nakatiis si Mommy Donna na sabihin ang da­hilan kung bakit siya big­lang umuwi ng Pilipinas noon. Sinabi niyang pinauwi siya ni Toshi at susunod na lamang ito kasama si Keiko. Napilitan siyang umuwi. Pero nang narito na siya sa Pilipi­nas, biglang tumawag si Toshi at binalitang namatay si Keiko. Nagkasakit daw.

Gulat na gulat si Keiko. Hindi niya alam na may ganung story. Wala raw siyang kamalay-malay na mayroon palang lihim sa kanyang buhay.

“’Yan ang totoo, Keiko. Kaya nang malaman ko ang nangyari sa’yo, iyak ako nang iyak. Gusto ko na ring mamatay.’’

“I did’nt know that Mommy. Wa-la sila sinabi sa akin.’’

“Anyway, tapos na yun, Keiko. Wala na akong galit sa Dad mo at sa mga grandparents mo. Ang mahalaga ngayon, nagkita tayo. Alam mo madalas kitang mapanaginipan. Buhay ka raw at totoo nga.’’

Muling niyakap ni Mommy Donna ang anak.

Ang mga sumunod na araw ay ang walang tigil na pamamasyal nila.

Dinala nila ni Ruth si Keiko sa mga sikat na beaches sa Pilipinas.

Tuwang-tuwa si Keiko.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with