^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (88)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGBALIK si Mommy Donna sa dating tirahan ng kanyang babaing ka­patid sa Sta. Ana. Maa­aring may nalalaman ang may-ari ng sari-sari store na nasa tapat ng bahay na inupahan ng kapatid.

“Manang ako po yung nagtanong sa’yo kahapon tungkol sa babaing naka­tira diyan sa bahay na ‘yan. Baka naman po ma­tulungan ako na malaman kung saan na siya naka­tira ngayon.’’

“Sa Laguna raw.’’

“Saan po sa Laguna?’’

“Hindi ko alam pero yung driver ng truck na naghakot ng gamit baka alam.’’

“Kilala mo po ba ang driver Manang?’’

“Oo. Si Kardo. Pero alam ko may biyahe nga­yon – may naglilipat-bahay.’’

“Saan po ba ang bahay ni Kardo?”

“Sa may simbahan.’’

“Alam mo po ang number ng bahay.’’

“Hindi. Pero madalas dito yun. Yun kasing anak niya ay diyan lang nakatira. Ako na lang magtatanong kung anong eksaktong lugar sa Laguna, lumipat ang dating nangungupahan diyan.’’

“Salamat po Manang. Kailan po ako babalik?’’

“Bukas ng ganito ring oras.’’

“Salamat po. Ako nga po pala si Donna.’’

“A si Donna ka pala. Ka­anu-ano mo ba ang dating nangungupahan diyan, Donna?’’

“Kapatid ko po.’’

“A kaya pala kahawig mo. Pareho kayo ma­ganda.’’

“Salamat Manang.’’

“Sige bukas ka na lang bumalik, Donna. Ako na lang ang kakausap kay Kardo.’’

Nagpaalam na si Mommy­ Donna.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with