Sa Piling ng Kalapati(86)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2018 - 12:00am

DITO sila sa Sta. Ana nakatira noon. Nakabili siya ng bahay at lupa rito noong nagja-Japan pa siya pero naibenta rin umano nang magkasakit ang kanyang mga magulang. Mayroon din siyang na­biling mga gamit pero naibenta rin. Ang mga naipundar niya ay nawala rin. Iyon ay nang panahong hindi na siya nakakapagpadala ng pera sa mga magulang sapagkat tuluyan na nga siyang nabaliw kay Toshi na akala niya, mag-aahon sa kanya pero hindi pala. Ibinaon pa lalo siya at inapi pa pagkaraang anakan. Pati ang mga magulang nito, inapi siya. Hindi nga kasi siya gusto ng mga magulang ni Toshi.

Ang alam niya, malapit din sa kanilang dating tirahan ang inuupahan ng kanyang kapatid na babae. Nang umuwi siya galing Japan, dito siya nagtungo. Nabanggit sa kanya ang address kaya niya nalaman na dito rin sa Sta. Ana nakatira.

Pero nang puntahan niya ang bahay, parang iba na ang nakatira.

Ipinasya niyang magtanong sa babaing may-ari ng sari-sari store sa tapat.

“Manang, alam mo po ba kung saan na nakatira ang babae diyan sa bahay na ‘yan?’’

“Ang alam ko wala na siya diyan. Iba na ang nakatira diyan.’’

“Saan daw po lumipat?’’

“Sabi sa probinsiya na raw.’’

Napahinga si Mommy Donna.

“Sige po Manang, salamat.’’

“Walang anuman.’’

Umuwi na si Mommy Donna.

Hindi na yata sila magkikita ng kapatid.

Gusto niyang umiyak habang nakasakay sa taksi pauwi.

(Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with