^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (66)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA isang kilalang restaurant na nasa isang mall nagtungo sina Ruth at Mommy Donna makaraan   ang graduation.

Maraming inorder na pagkain si Mommy Donna.

‘‘Ang dami naman nito, Mommy. Paano natin uubusin ito e dalawa lang tayo.’’

‘‘’Yung matitira e ipabalot natin. Basta gusto ko maraming handa sa graduation mo. Talagang pinaghandaan ko ito, Ruth. At ito pa ang isa kong regalo sa’yo,’’ may dinukot sa handbag. Nakabalot. Iniabot kay Ruth. “Buksan mo.’’

Excited si Ruth na binuksan ang regalo. Gulat na gulat nang makita.

“Iphone!’’

“Alam ko gusto mo niyan noon pa. Kahit hindi mo sinasabi sa akin nahuhulaan ko na gustung-gusto mong magkaroon niyan.’’

“Salamat Mommy, pinaligaya mo ako. Masayang-masaya ako sa regalo mo.’’

‘‘Tama lang na regaluhan ka niyan dahil masipag kang mag-aral. Masunurin at mabait. Lahat nang sabihin ko sinusunod. Sana, huwag kang magbago Ruth. Ikaw na lang ang natitirang yaman  ko. Pagnagbago ka, baka maloka na ako.’’

“Hindi ako magba­bago. Natatandaan mo ang sinabi ko noon, kapag nagkatrabaho ako, ibabalik ko lahat ang mga na­gawa mo sa akin. Pag­lilingkuran kita. Lilipat tayo sa isang condo. Hindi ka na lalabas. Sa bahay ka lang magpapasa­rap!’’

“Salamat Ruth! Ma­raming salamat.’’

“Sige kain na tayo, Mommy.’’

“Okey tayo nang magselebreyt.’’

ISANG umaga, maagang naligo at nagbihis si Ruth. Napansin ni Donna ang anak-anakan.

‘‘Ba’t ang aga mo? Saan ka pupunta?’’

‘‘May interbyu ako ng 8:00 a.m.’’

“Mag-ingat ka. Yung I-phone baka madukot.’’

“Hindi Mommy.’’

Umalis na si Ruth,

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with