^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAGANDA ka tala-ga, Mommy. Ma-matay pa sila, he-he-he!’’

“Lagi mo akong bino­bola. Sige, ikaw din kakain pa naman tayo nang masarap sa graduation mo. May budget na ako para sa araw na iyon.’’

“Talaga?’’

“Oo. Mahalaga sa akin ang araw ng graduation mo dahil nagkaroon ako ng katuturan. Imagine, nakapagpatapos ako sa kolehiyo. Malaking achievement iyon. Hindi ako nawalan ng saysay dito sa mundo. Kahit na-ging puta ako, mayroon akong napatapos na isang nilalang.’’

“Maiiyak na naman ako sa tinutungo ng salita mo.’’

“Nakadarama kasi ako nang pagmamalaki na kahit nagkaganito ako, natulungan at napatapos kita. At nagpapasalamat din ako dahil hindi mo ako binigo Ruth. Yung ibang kabataan diyan, ang pakikipagsiyota ang inaatupag kaya nabubuntis at hindi natapos ang pag-aaral. Ikaw talagang seryoso, salamat sa iyo at hindi mo ako binigo.’’

“Hindi kita puwedeng biguin Mommy. Nakita ko ang pagpapakahirap mo at pagpapakasakit para sa akin. Kaya nga ngayon pa lamang, sinasabi ko na sa’yo na hindi kitya iiwan at ang lahat nang pagpapakasakit na ginawa mo ay gagantihan ko. Paglilingkuran kita nang labis. Hindi muna ako mag-aasawa at pagsasawain muna kita sa bunga ng mga pagpapakahirap mo sa akin. Lahat nang gusto mo, ibibigay ko sa’yo.’’

“Iiyak na naman yata ako nito. Parang bibigay na naman ako.’’

“Pareho tayong iyakin.’’

“I love you Ruth. Huwag kang magba-bago ha.’’

“Siyempre naman.’’

 

ISANG linggo bago ang graduation nina Ruth, umuwi ng gabi si Mommy Donna. Nagla-lakad siya sa eskinita. Nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya.

Nang lumi-ngon siya, isang lalaki ang nakita niya! (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with