Sa Piling ng Kalapati (48)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2018 - 12:00am

“MULA noon, ang pagbebenta na ng laman ang naging trabaho ko. Palibhasa’y sariwa pa ako noon at maganda pa rin at hindi halatang may anak na. Marami pa ring naaakit sa aking Japanese lalo na kapag nalaman nilang mahusay ako sa kanilang lengguwahe.

“Sa maniwala ka at sa hindi, ang mga Hapones na nasiyahan sa serbis­yo ko ay pabalik-balik dito sa bansa at ako ang hinahanap. Talagang kakaiba ang naranasan sa akin kaya laging bumabalik. Nagbabayad nang malaki. Kaya para na rin akong kumikita ng “lapad”. Galante ang mga Hapones. Tapon nang tapon kapag nasiyahan  sa serbisyo.’’

Nagtanong si Ruth.

“Paano ka nakokontak Mommy?’’

“May bugaw ako. Ang bugaw ang nag-a-arranged. Pero malaki rin ang napupunta sa bugaw. Ako ang nagpakahirap pero mas malaki pa rin ang kinikita.”

“E yung nakita kong booklet sa ilalim ng kama mo na may listahan ng mga Chinese?’’

Napangiti si Mommy Donna.

“Nakita mo pala ‘yun. Mga busi­ness­man yun. Kapag gusto nilang magpa-service, tatawagan lang ako. Magkikita kami sa isang lugar – madalas ay sa casino.’’

“May bugaw ka rin sa Chinese na customer?”

“Wala. Ginugulangan kasi ako ng bugaw kaya nagsolo na ako.’’

“Hindi ka natatakot magkasakit Mommy, I mean STD, AIDS…’’

“Nagpapa-check-up ako nang regular.’’

“Hindi mo na talaga binalak na hanapin si Toshi?’’

“Hindi ko na itinuloy kasi’y pakiramdam ko, ma­hirap nang makarating sa Japan. Mahigpit na raw dun.

“Kaya, patuloy ako sa gawain ko. Kailangan kong mabuhay. Wala na­man akong alam na ibang job.’’

(Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with