Sa Piling ng Kalapati(12)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

GINISING niya si Mommy­ Donna para kumain. Ka­pag hindi niya ito ginising, malilipasan ito ng gutom at maaring magkasakit. Nagka-ulcer na ito noon at mabuti na lamang at naagapan.

“Mommy, gising na. Ka­kain na!” Marahan niyang tinapik sa braso.

Gumalaw. Nagmulat.

“O, bakit?” tanong na parang nananaginip.

“Kakain na. Bangon na, Mommy.’’

Iniunat ang katawan.

Bumangon.

Tumayo. Inalalayan ni Ruth.

“Ano ngang niluto mo?”

“Tinola.”

“Tinolang ano?’’

“Manok. Meron pa kayang puwedeng itinola liban sa manok.”

“Meron! Baboy at isda.’’

“Talaga? Sige sa sunod, lulutuin ko yun.’’

Lumabas sila ng kuwarto.

Nakahain na sa mesa ang kanin at ulam. Kumuha ng tubig sa ref si Ruth.

Naupo na si Mommy.

Nilagyan ni Ruth ng kanin. Ganun siya kaalaga kay Mommy. Pinagsisilbihan talaga niya. Higit pa sa ina ang turing niya.

“Humigop ka ng sabaw, Mommy, masarap ‘yan.’’

Kumutsara si Mommy ng sabaw. Hinigop.

“Masarap ano?’’

Tumango.

Kumutsara pa uli ng sabaw at hinigop.

Pagkatapos ay kinutsarahan ng sabaw ang kanin. Sumubo. Kumuha ng laman ng manok. Ki­nain.

Pero ilang subo lang umayaw na.

“Bakit kaunti ang nakain mo Mommy?”

“Wala akong gana.’’

“Bakit?’’

“Basta.’’

“May problema ka ba?”

“Wala!’’

 Pero duda si Ruth sa ina-inahan.

“Napapagod ka na si­guro,” sabi ni Ruth. “Dapat ako naman ang kumayod. Maghahanap ako ng trabaho. Kawawa ka naman.’’

(Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with