Sa Piling ng Kalapati (6)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2017 - 4:00pm

“GUSTO mo pa?” tanong ni Ruth kay Coco.

Umiling ito.

“Bakit ayaw mong mag­salita?”

“Ayaw ko na. Busog na ako.’’

“Ganyan, magsasalita ka.’’

Tumungo si Coco.

“Ako nga pala si Ruth. Tawagin mo akong Ate Ruth.’’

Tumango lang si Coco.

“Alam mo bang nakita kita roon sa kanto na kinakaligkig sa ginaw? Iniuwi ka namin dito ni Mommy Donna. Awang-awa ako sa’yo. Bakit ka kinakaligkig sa ginaw?’’

“Gutom na gutom kasi ako at maginaw ang semento.’’

“Akala ko nga may dengue ka na. Pinunasan kita nang maligamgam na tubig alam mo ‘yun?’’

Umiling.

“Pagkatapos kitang pu­nasan, biglang nawala ang panginginig mo. Parang nagdahilan ka.’’

“Dahil nga malamig ang semento at saka walang laman ang tiyan ko.’’

“Kaya nga ang sabi ko kay Mommy Donna, e dalhin ka sa ospital. Pero sabi ni Mommy huwag na raw dahil wala ka namang sakit.’’

“Giniginaw nga lang ako.’’

“Ano ka ba nawala o nag­layas?’’

“Naglayas!’’

“Bakit ka nag­layas?’’

Sa halip na sumagot, umiyak si Coco.

(Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with