Itinatagong anak ng sexy actress malaki na!
- Veronica R. Samio () - June 1, 2008 - 12:00am

Malaki na pala talaga ang anak ng isang sexy star na matagal niyang itinago at itinatwa sa lahat. Nakita ko ang bata kasama ang kanyang ama at ang pamilya nito sa isang mahalagang affair sa isang posh village.

Medyo nakuha ng bata ang pagiging kayumanggi ng kanyang mga magulang. Nakapagtataka lamang na kung gaano itinatwa ng sexy actress ang bata ay buong pagmamalaki naman itong inaaruga ng kanyang ama at ng pamilya nito. At obvious naman na maganda ang relasyon ng aktres sa pamilya ng ama ng kanyang anak dahil minsan ay nakita ko rin siya na kasama ng anak sa isang pagtitipon ng  pamilya ng ama ng kanyang anak.

* * *

Sampung taon nang namamahagi ng karunu­ngang medical ng libre si Dr. Gary Sy, isa sa kaka­unting doktor na gumagamot sa mga matatanda. Isa rin siyang TV host, radio broadcaster, columnist at author.

Sa kasalukuyan, siya ang medical director ng Life Extension Medical Center, lumilibot sa buong bansa para magbigay ng free lectures tungkol sa mga mahahalagang health issues at sa aking pagkakaalam ay nag-iisang doktor na nagbibigay ng  libreng konsultasyon.

 Ilang taon na rin akong ginagamot ni Dr. Sy sa aking diabetes, sa maraming doktor na pinuntahan ko, siya lamang ang nakapagsabi sa akin ng dahilan ng aking vertigo at simula nang alagaan niya ako hanggang sa kasalukuyan, nagawa niyang maibaba ang aking sugar level, mailebel ang aking blood pressure at mabigyan ako ng isang normal na buhay sa kabila ng aking karamdaman.

* * *

Si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang ‘Daniella’ sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Yo Soy Betty La Fea.

Makikipagtagisan si Ruffa ng galing at husay kay Bea Alonzo at kaabang-abang ang mga eksenang maghaharap sila.

Magmimistulang fashion show ang telenovela dahil ilalabas at magsusuot si Ruffa ng mga fabulous clothes, shoes, bags at jewelries.

* * *

 Marami ang nagugulat sa patuloy na pagtata­gum­pay ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Kapitan Boom na mapapanood  sa ABS-CBN. Marami ang nag-akala na porke bago at hindi kilala ang gumaganap ng title role nito ay hindi ito susuportahan ng mga manonood pero, nagkamali sila.

Hindi lamang naman si Jon Avila na gumaganap ng Kapitan Boom ang kaabang-abang sa palabas. Narun din sina Maja Salvador, Jay-R Siaboc at ang new actress na si Marianna del Rio.

Hindi  binigo ni Jon ang kanyang mga supporters. Isang leading man na naman ang mag-emerge in Jon. With his looks, height at talent, puwedeng-puwede talaga siya na maging leading man ng top actresses natin.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

BEA ALONZO CENTER DR. GARY SY KAPITAN BOOM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with