PCSO idinaldal ang identity ng nanalo ng P741 M

Balikbayan pala ang nanalo ng P741 million na jackpot prize sa 6/55 Lotto. Ang suwerte-suwerte ng 60-year old balikbayan mula sa New York na matagal na lumitaw bago niya kinubra ang kanyang premyo.

Isang bagay lang ang ikinaloloka ko, hindi pala puwedeng itago ng winner ang identity niya dahil mismong ang PCSO ang nag-reveal sa media tungkol sa kanyang pagkatao.

Hindi nga sinabi ng PCSO ang name ng winner pero nagkuwento sila na balikbayan ang winner, tumaya ito ng winning numbers sa Zambales at na-getsing na niya ang kanyang premyo.

Puwede naman na sabihin ng PCSO na na-claim na ang premyo pero huwag na silang magbigay ng ibang mga impormasyon para sa proteksiyon ng nanalo ‘no!

Mark Herras maraming na-realize nang magkasakit

More than sixty kids mula sa Father’s House ang dadalhin ni Mark Herras sa Enchanted Kingdom sa December 30.

Birthday treat ni Mark para sa mga bagets ang pagpunta nila sa sikat na theme park sa Laguna. Medyo made-delay ang birthday treat ni Mark na magdiriwang ng birthday sa December 14 pero dahil sa kanyang busy schedule, sa December 30 niya dadalhin sa Enchanted Kingdom ang mga kapus-palad na bata.

Halos two months na nagpahinga si Mark at sa kanyang pagbabakasyon, marami siyang na-realize at kasama rito ang pagpapasaya sa mga bata na hirap sa buhay.

Ipinangako ni Mark sa kanyang fans na magiging visible na uli siya sa showbiz sa 2011 dahil magkakasunod ang mga project na gagawin niya sa GMA 7.

Sarah in demand sa christmas party

Very busy ako kahapon dahil sa mga showbiz event na pinuntahan ko. Lunchtime, go ako sa ‘awarding ceremony’ ng Belo Medical Clinic at sinundan ito ng early merienda ko with Rubby Sy, ang big boss ng Flawless na tuloy pa rin ang 9th anniversary celebration.

Mula sa meeting ko kay Rubby, dumiretso ako sa presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote sa Annabel’s at pagkatapos nito, bumiyahe ako sa World Trade Center para sa bonggang Christmas party ng Cebuana Lhuillier.

Eh nagkataon pa na Biyernes kahapon kaya naranasan ko na naman ang traffic sa EDSA na epekto ng paparating na Pasko.

Hindi ko puwedeng ma-miss ang Christmas party ng Cebuana Lhuillier dahil endorser nila ako, kasama sina Sarah Geronimo, Manay Celia Rodriguez at Gladys Reyes.

In demand si Sarah sa mga Christmas party dahil sa rami ng kanyang mga product endorsement. Sosyal ang aking favorite singer-actress dahil lumipad siya sa Hong Kong para lang kumanta sa Christmas party ng First Pacific Group, ang kompanya ni Papa Manny Pangilinan.

Very lucky ng mga empleyado ng First Pacific Group dahil sa Hong Kong pa idinaos ang kanilang Christmas party. Ang PLDT, Meralco at Metro Pacific ang ilan sa mga kompanya ng First Pacific Group.

Movie nina Bong at Vic sure na sa no. 1

Tanggap na ng ibang mga artista na may pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na ang filmfest entry nina Bong Revilla at Vic Sotto ang magiging number one sa takilya. Lahat sila eh nagkakaisa na sure number one sa box-office ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Basta ang laging sinasabi ng mga artista, okey raw na hindi mag-number one ang kanilang mga pelikula, huwag lang mangulelat para mabawi ang puhunan ng mga produ.

Matindi ang labanan sa MMFF dahil mga pelikula ng mga big star ang magsasagupaan. Ang filmfest movie na mananalo ng best picture award ang isa sa siguradong tatabo ng datung sa takilya.

Show comments