^

PSN Showbiz

Carlo at Maja, friends pa rin

RATED A - Aster Amoyo -
Kahit itinatago, halatang malungkot si Carlo Aquino dahil pinahinto na siya sa panliligaw ni Maja Salvador. Naiintindihan daw niya na mas mahalaga ang career nila kaysa sa love at saka hindi naman nawala ang friendship nila ni Maja at nagtatawagan pa rin at nagti-text sila sa isa’t isa para magkumustahan. Siya man daw tulad ni Maja ay busy rin ngayon dahil nagti-taping na siya ng Sinenovela ng GMA-7, ang Sinasamba Kita, kasama sina Sheryl Cruz, Wendell Ramos at Valerie Concepcion.

Itinanong niya sa amin kung ano raw ang role ni Phillip Salvador sa movie version nito at nang sabihin namin na kontrabida si Ipe, tuwang-tuwa siya, mas gusto raw niyang gumanap ng kontrabida kaysa laging bida.

Tapos na rin ni Carlo ang kanyang first album sa Viva Records na may 14 tracks. Makikipag-meeting na raw siya kay Boss Vic del Rosario para sa title ng album at kung ano ang magiging carrier single nito. Almost all the tracks daw ay original composition niya at ng kanyang Kilokit Band.

Matatapos na rin niya ang indifilm na Carnivour with Ian Veneracion, Bembol Roco, Mark Gil at dinirek ni Ato Bautista.
* * *
Tulad nang nakaugalian ng noontime show na Eat Bulaga, sa halip na magpatawa, muli silang magbibigay ng magagandang Lenten stories.

Sa first episode to day, Holy Monday, magdadrama si Pia Guanio, sa episode na Sa Iyong Paglaya na magtatampok sa kanila ng boyfriend na si Vic Sotto bilang mag-asawa at si BJ Forbes ang kanilang anak. Kasama rin nila sina Keempee de Leon, Jimmy Santos, Jose Manalo, Wally Bayola, Sugar Mercado at Edgar Allan de Guzman of Mr. Pogi.

Ang Martes Santo episode ay ang Binhi sa Matabang Lupa ay tampok naman sina Joey de Leon, Oyo Boy Sotto, Allan K, Ciara Sotto, Ryan Julio of Mr. Pogi at Ruby Rodriguez.

Star! ang episode for Holy Wednesday at magpapaligsahan sa acting dito sina Gina Alajar at Michael V, kasama pa rin sina Paolo Ballesteros, Francis M at Pauleen Luna.

Ang Holy Monday at Holy Tuesday episodes ay sa direksyon ni Bibeth Orteza at si Joel Lamangan ang nagdirek ng para sa Holy Wednesday.
* * *
Hindi na nagbago ang isip ni Richard Gomez, tuloy na rin siya sa pagtakbo bilang independent candidate for Senator sa coming May 14 elections. May lumutang kasing balita na parang gustong magbago ng isip si Richard at kakandidato na lamang siya sa isang party list para sa puwesto sa Kongresso.

Masipag ang mga tumutulong kay Richard dahil mayroon silang TEAMGOMA hotline, 09266818777 na magbibigay ng latest news tungkol sa kanya. Dito rin kayo pwedeng makipag-usap kung gusto n’yong suportahan si Richard.

vuukle comment

ALLAN K

ANG HOLY MONDAY

ANG MARTES SANTO

HOLY WEDNESDAY

MR. POGI

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with