Sinong mas magaling na columnist si Asia Agcaoili o Juliana Palermo?

Ramdan namin ang epekto kay Asia Agcaoili sa ginagawang intriga sa kanila ngayon ni Juliana Palermo na sinasabing mas mahusay na kolumnista kesa sa kanya. Bukod dito, humahataw si Juliana ngayon dahil mayroon na itong TV show sa Channel 5 na ang pinag-uusapan ay tungkol sa sex na siyang tema ng column ni Asia.

Naghahamon si Asia na kahit pagkumparahin ang kanyang sinusulat sa mga nakaraang kolum ni Juliana ay tiyak mas maraming magkakagusto ng kanyang mga isinusulat. "Hindi porke may TV show siya eh, mas sexpert siya sa akin. Maybe mas maganda lang ’yong opportunity niya."

Inamin nitong nasaktan siya sa parunggit sa kanya ni Juliana dahil alam nitong kahit maging ang mga magasin na kanyang sinusulatan ay makakapagsabi na mas may sense ang kanyang pinagsusulat at mas interesting ang kanyang mga sinasagot sa kanyang mga mail sender. "Ano naman ang connection sa pagiging TV host sa isang program at endorser ng isang underwear sa pagiging sexpert niya kaysa akin?"

Nilinaw ng sexy babe na hindi siya naniniwala sa intrigang kina-iinisan siya ng ilang mga kasamahan nito sa grupo dahil wala naman siyang nagawang masama na na-offend ang kanyang mga kasamahan. Alam nitong may natutuwa para sa kanya na umaangat ang kanyang career hindi lang bilang sexy babe kundi pati na rin sa pagsusulat at paminsan-minsang pagkukumbida sa kanya para mag-host ng shows. Alex Datu

Show comments