^

PSN Showbiz

Aubrey, gaganap bilang Sarsi Emmanuelle sa MMK

-
Sino kaya sa mga sexy actress ngayon ang gagaya sa kanya? Mula bold superstar, takilyera na sa perya ang dating pinagpapantasyahan na si Sarsi Emmanuelle. Pero bibihira ang balitang nanggaling mula sa kanya – hanggang ngayon.

Ang isa sa pinakamalaking sexy actress ng kasalukuyang panahon ay magbibigay- buhay sa pinaka-kontrobersyal na sexy actress ng nakaraan ngayong Huwebes sa ABS-CBN. Diskubrihin ang tunay na kwento sa buhay ni Sarsi Emmanuelle ngayong Huwebes, August 7, sa pagganap ni Aubrey Miles bilang Sarsi sa Maalaala Mo Kaya.

Pero mula sa tugatog ng kasikatan bilang isa sa unang bold stars na na-nominate bilang Best Actress sa Urian (para sa The Boatman ni Tikoy Aguiluz noong 1985), misteryoso ang kanyang pagbagsak. Bakit nga ba nag"suicide attempt" siya noon? Ano ang nasa likod ng kanyang pagtalikod sa showbiz pagkatapos gumawa ng mga pelikulang gaya ng Virgin Forest, Brown Emmanuelle, Bomba Queen at Gabi Na, Kumander? At bakit isang tikitera na lamang siya sa perya ngayon?

vuukle comment

AUBREY MILES

BEST ACTRESS

BOMBA QUEEN

BROWN EMMANUELLE

GABI NA

HUWEBES

MAALAALA MO KAYA

PERO

SARSI EMMANUELLE

TIKOY AGUILUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with