^

PSN Showbiz

Anne, kahanay ng k-Pop idol Felix sa Singapore!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne, kahanay ng k-Pop idol Felix sa Singapore!

Trending si Anne Curtis kahapon.

Ginawang big deal ng ibang netizens ang hindi pag-interview sa kanya ng isang sports reporter na nagco-cover sa Formula 1®? Grand Prix sa Singapore.

Nilapitan ng nasabing sports TV reporter si Felix ng South Korean boy band na Stray Kids. At super chika ito kay Felix.

Habang nakatayo sa tabi nito si Anne na ang opinion ng netizens ay umaasang kakausapin din siya ng TV reporter. Pero umalis na ang  reporter pagkatapos makipag-usap kay Felix.

Katabi naman ni Anne si Sandara Park (na may photo op kina F1 Team drivers Liam Lawson and Arvid Lindblad)  sa VIP guest area.

Pero mas marami namang napa-sana all kay Anne na rubbing elbows  siya sa kanilang mga K-pop idol.

At bonggang-bongga rin ang kanyang exposure sa isang international sports magazine kaya hindi niya naman kailangan ang nasabing interview.

Bahagi ng story ay : “The Asian entertainment contingent is equally impressive. Filipino-Australian superstar Anne Curtis Smith, with 20.9 million Instagram followers, is guest of Moët...”

 Nasa Singapore rin sina Nadine Lustre with his BF Chris Bariou and Apl de Ap.

Andun din si Kim Kardashian para naman suportahan ang boyfriend na British racing driver na si Lewis Hamilton.

Sa totoo lang, parang wala na talagang pahinga si Anne. Kagagaling lang niya ng Paris Fashion Week at may ginagawa pa siyang pelikula.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with