Mayora Niña Quiambao, nangatwiran sa tawag na kalansay!

Noong nakaraang linggo pa napag-usapan sa Facebook account ng Bayambang, Pangasinan Mayor na si Niña Jose Quiambao ang pagpayat nito.
Hindi na rin ako naninibago sa matinding pagpayat nito dahil sa nakikita ko na rin ito sa ilang kakilala dahil sa nauuso ngayong paturok ng Mounjaro o Ozempic at iba pang injectable medication.
Kapag nagpapaturok ka regularly talagang makikita mo agad ang malaking pagpayat.
Ito ang napansin kay Niña dahil magmula nang mag-lie low na siya sa showbiz at nag-asawa sa negosyante at pulitikong si Cesar Quiambao, lumusog na ito, lalo nang pinasok na niya ang pulitika.
Pero ngayon ay ang payat na niya talaga, at ipinagmamalaki niya ito kahit nalalait pa siya.
May mga nagsasabing hindi raw sila sanay na nakikita siyang ganu’ng kapayat kaya sana ay ibalik niya sa dati ang kanyang katawan.
Pero sinagot sila ni Mayor Niña na masaya na siya sa kalagayan niya ngayon.
Kaya nag-post ito sa Facebook ng statement niya kaugnay sa kanyang pagpayat nang husto.
Nilinaw niyang wala siyang sakit. Pero hindi niya ipinaliwanag kung bakit siya ganun kapayat.
At least, hindi na raw siya matatawag na aparador. “Thank you for the engagement guys, kahit nega ‘yung iba nagulat ako dahil lang sa picture ko pa talaga hahaha thank you (heart emoji).
“By the way, wala akong sakit sadyang gusto ko lang maging skinny. Goal ko nga si corpse bride eh hahaha jooooke but thank you for the concern ah, kahit may ibang pressing matters yung ichura ko pa talaga ang pinag-uusapan hahaha. Nakaka-touch din, salamat.
“Nakakatawa lang kasi when I was bigger tawag sakin aparador, nung puti face ko chimchamchu, yung payat naman ngayon kalansay or tarsier.
“But in all that I can say madami affected sa akin, hahaha! Bakit???? Hahaha you must love me talaga.
“Anyway, sa dami ng gulo sa mundo, let us remember to Live, Laugh and Love.”
Patuloy pa rin siya sa pag-ensayo sa gym, dahil kung totoo ngang dumaan siya sa injectable medication, kailangan talagang sundan ‘yan ng pagbubuhat sa gym para maging firm ang lumalawlaw na balat.
Pero pinangungunahan na niyang wala siyang pakialam kung lumabas ang stretchmarks niya. “Inuunahan ko na. Baka kita naman stretchmarks ko, proud pa rin ako kasi warrior stripes ko yon,” banggit naman niya sa isa post.
Korina, nagbabayad pa sa mga pinangakuan ng tulong!
Ang isa pang maipupuri mong na-maintain ang ganda ng katawan at fit na
fit pa rin ay si Korina Sanchez.
Maingat pa rin siya sa kanyang katawan, at sa kabila ng sangkatutak na shows na ginagawa niya, tinitiyak daw niyang kumpleto ang tulog niya. “I still get eight hours [of sleep] a day. Kasi naman, diretso na ako ng bahay. Hindi na ako gumigimik,” sambit ni Ate Koring.
Yes! Sinasanay na talaga ang tawag sa kanyang Ate Koring, at gamit na ito sa reformatted na show niya sa TV5 na Gandang Mornings With Ate Koring.
Simula ngayong araw, 11 ng umaga, ay ito na ang mapapanood at hindi na ‘yung dati niyang Face To Face.
Sa aming pakikipagtsikahan kay Ate Koring, napag-usapan ang pulitika na sinasabi naman niyang laging patuloy pa rin siyang inaalok na tumakbo sa darating na eleksyon.
Ngayon ay medyo malinaw na ang sagot ng broadcast journalist na baka tanggapin na niyang tumakbo kapag maganda ang offer.
Next year ay may linaw na kung sino ang tatakbo sa 2028 elections, at isa na kaya roon si Ate Koring?
Pero kung sakaling tatakbo nga siya, pasok na pasok kung gagamitin nga niya ang kinasasanayan nang tawag sa kanya na “Ate Koring.”
Dito sa Gandang Mornings With Ate Koring ay mas positive na raw, nakaka-good vibes lang ang gusto nilang ihatid sa mga manonood.
Pero gusto pa rin daw niyang makatulong na ginagawa niya sa dating Face To Face. “Kasi nga naman although I’m very grateful na ginawa ko ‘yung Face to Face, ha? Bakit? Nakita ko na andami palang problema sa barangay level pa lang.
“Talaga kasing didikit ka sa tao. ‘Yung mga problema nila, maliit na amount, makikipagsuntukan et cetera. So andami ko ring natulungang tao. So hanggang ngayon, pinagbabayaran ko pa lahat ng pinangakuan ko.
“Abunadung-abonado pa rin po ako kaya kailangan kong magtrabaho. Oh, andami kong napangakuan ng tuition fee, ng mga paospital, pustiso, lahat.
“So I’m grateful that I had that opportunity. We helped. Kasi ‘yung help, nasa DNA ko na talaga iyan. Hindi puwedeng wala akong tutulungan. Parang mamamatay yata ako,” saad ni Ate Koring.
Ngayon sa Gandang Mornings ay hindi na ba kasing aggressive ng napapanood sa awayan sa Face To Face? “I won’t say it’s mellow, mellower. It’s just a different format. Para ang gising naman natin sa umaga ay maganda, hindi ba? Hindi nag-aaway-away... Pero nakakatulong pa rin kami, ha, in many ways dito sa format na ito,” pagmamatwid niya.
“Kasi tinuturuan namin ‘yung mga misis, paano magnegosyo na nasa bahay lang. ‘Yung mga talented na mga bata, nadi-discover sila. And other children can be encouraged to hone their talents also, et cetera. So maganda iyong format na ganito. Magaan,” sabi pa ni Ate Koring.
- Latest

























