Kabayan Noli, uupo na pagbalik sa TV Patrol

Ber months na. At ito, totoo raw na may grand comeback si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol.
Naudlot ang comeback ni Kabayan Noli noong nakaraang June, in time for the State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sana.
Hindi pa raw kasi aprub ng doktor ni Kabayan na bumalik siya sa trabaho that time. Saka pumayat din daw kasi si Kabayan at hindi na talaga nagkasya ang mga suit niya kaya kailangang magpa-adjust at magpagawa ng new outfit.
But anyway, pagbalik din daw ni Kabayan ay hindi na siya nakatayo habang nagbabalita.
May sarili na siyang upuan habang nag-uulat ng kaganapan sa ating bayan.
Hindi na diumano nito kayang tumayo nang matagal.
- Latest
























