Kapamilya Network, mamimigay muna ng bonus sa mga tatanggalin

Mamimigay muna diumano ng bonus ang ABS-CBN sa December bago ang magaganap na downsizing ng kumpanya.
Ayon sa source, planado na ito at hindi na mapipigilan dahil computed na raw ang package sa bawat empleyadong kasama sa 1,000 or more pa na kasama sa tanggalan.
Nung nawalan ng franchise ang Kapamilya Network, maaalalang 7,000 daw ang nawalan ng trabaho. Kaya ang estimate ng isang source na insider ng network, mga 3,000 employees na lang ang matitira sa magaganap na downsizing na ito.
Wala pang official statement ang ABS tungkol dito.
- Latest
























