Mommy ni Kathryn, mag-isang bumiyahe sa New Zealand

MANILA, Philippines — Spotted sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mommy ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo.
Wala raw itong kasama na dumating sa airport at nag-check in, ayon sa source.
At nang may magtanong daw kung saan siya pupunta, sumagot si Mommy Min ni Kathryn na “sa New Zealand.”
‘Yun lang daw ang naitanong ng source.
Lately ay kalmado lang ang career ni Kathryn habang patuloy na umeere ang Someone, Someday na pinagbibidahan nila ni James Reid.
Naglalaro ito sa top 1 and 2 sa Netflix PH.
May isyung split na si Kathryn sa karelasyong pulitikong si Mark Alcala pero walang resibo ang mga nang-iintriga.
Haka-haka lang naman ‘yun at ‘wag daw asahang magsasalita si Kathryn tungkol dito.
Anyway, ang naisip ng source sa pagbiyahe ni Mommy Min ni Kathryn sa New Zealand ay baka raw nagbabalak silang bumili ng property sa nasabing bansa.
- Latest
























