Aktres na mahilig sa luxury items, fake ang bitbit na bag
Pulos pala fake ang designer bag ng isang actress na dala niya sa kanyang mga reel video.
Ayon sa isang authenticator, tingin pa lang daw niya, peke na ‘yun.
Kaya naman one time raw ay nagkita sila sa isang event ng nasabing actress, stalker daw ang peg niya, sinundan-sundan daw niya ito hanggang nagkaroon sila ng chance na magchikahan.
At doon daw niya inamoy ang nasabing bag ng aktres. Bukod sa inamoy, kinapa-kapa raw niya ito at doon niya napatunayang ito ay certified fake.
Sabagay, hindi naman masyadong in demand ang actress.
Andiyan siya at ramdam ang presence, pero wala siyang malakihang assignment, so-so lang.
Kaya paano siya makakabili ng expensive items.
- Latest

























