Kyline, ipagdadamot na ang lovelife!

Wala pang bagong kasintahan si Kyline Alcantara sa ngayon. Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan ng aktres at ng dating nobyo na si Kobe Paras mahigit isang taon na ang nakalilipas.
“I’m self-improving pa, doon muna tayo. Huwag muna, Lord. When I love, I really love a person ‘coz I feel like I have too much love to give. So, I just keep on giving and giving and giving. So ako na muna. Sa akin muna lahat,” makahulugang pahayag ni Kylie sa 24 Oras.
Para sa Kapuso actress ay hindi kailangang magmadali upang magkaroon muli ng karelasyon. Dalawampu’t tatlong taong gulang na si Kyline at marami pang gustong magawa habang siya ay single. “I’m young. Actually, it’s paradox nga whenever I say I’m still young. So dapat I can experience a lot of things. I’m allowed to fail still, and I’m allowing myself to make more mistakes. But at the same time, I’m still young, I shouldn’t hurry,” paliwanag ng dalaga.
Aminado si Kyline na hindi madali ang pagkakaroon ng kasintahan na kapwa-artista. Non-showbiz guy na nga kaya ang kanyang hinahanap upang maging nobyo ngayon? “Honestly, hindi ko po alam. Depende kung sino ang ibibigay ng ating panginoong Diyos. Maybe that’s the reason why I’m self-improving, ‘Coz masyado na pong out there. I know that we’re public figures, but we’re not public properties. Kung may mangyari man in the near future sa aking lovelife, siguro sa akin lang muna po iyon. Hindi ko na siya ipa-publicize that much,” giit ng Kapuso actress.
Will, bumalik sa pinanggalingan
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida si Will Ashley sa isang serye ng GMA. Pinaghahandaan na ngayon ng Kapuso actor ang Delivery Boi. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Will dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Kapuso network. “Nakakatuwa po na makatrabaho ulit ang GMA at makabalik sa bahay na pinanggalingan ko. Sobrang excited po ako na gawin ang proyektong ito,” bungad ni Will.
Hindi pa muling nakagawa ng serye ang binata mula nang magtapos ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition noong isang taon. Labis ang kaligayahan ng dating PBB Housemate nang mabalitaan ang tungkol sa naturang GMA Afternoon Prime series na pagbibidahan. “Parang ngayon na lang po ako kinabahan nang ganito simula noong lumabas ako ng Bahay ni Kuya. Pero sobrang grateful po ako, lalo na noong nalaman ko ang istorya kung bakit ako napili bilang si Boi. Habang nasa loob pa lang ako ng Bahay, na-dibs na pala ako para sa role,” paglalahad niya.
Gagawin umano ni Will ang lahat ng kanyang makakaya upang mapaganda ang bagong serye. Umaasa rin aktor na maraming matutunan mula sa mga makakatrabaho katulad nina Eric Quizon, Maricar de Mesa, Keempee de Leon at Meryll Soriano. “Gagawin ko ‘yung best ko para dito at grabe ‘yung pressure na nararamdaman ko. Kasi first lead serye ko itong Delivery Boi. Alam ko pong magiging masaya ito and panibagong experience. Napakarami ko na namang matutunan sa iba’t ibang tao,” pagtatapos ng aktor.
(Reports from JCC)
- Latest

























