Kitty Duterte, nag-iinit ang laplapan sa apo ni Chavit Singson

Habang kagulo ang bayan sa mga kapamilya
Habang mainit at tumataas naman ang tensyon sa impeachment ni VP Sara Duterte, mainit din ang lovelife ng kapatid niyang si Kitty Duterte na kasalukuyang karelasyon ni Vic Singson, apo ni former Gov. Chavit Singson.
Mismong si Vic ang nag-upload ng mainit nilang laplapan sa Bora. “Haven’t been posting much,” post ng Board Member ng Ilocos na una nga sa random photos ay ang laplapan nila ng anak ng dating presidente Rodrigo Duterte.
Nagkomento sa nasabing post si Kitty na Veronica Duterte ang pangalan sa kanyang Instagram account ng “love you!!!”
Nag-post din si Kitty ng video nila ng karelasyon na nasa Bora at nagtatampisaw.
BFF ni Kitty si Jillian Ward at iisa ang doctor na pinupuntahan nila para sa kanilang weight management.
Bumuo na ang Mababang Kapulungan noong Martes ng mga taga-usig sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.
- Latest
























