^

PSN Showbiz

Ina, inaming sumikat dahil sa ‘landi’

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ina, inaming sumikat dahil sa ‘landi’
Ina Raymundo
STAR/ File

Sumikat nang husto si Ina Raymundo dahil sa TV commercial na Sabado Nights ng sikat na beer noong 1995.

Mula noon ay tinaguriang Sabado Night Girl si Ina. Nagsisimula pa lamang daw noon ang aktres sa show business nang makuha ang naturang proyekto. Muntikan pa niyang hindi magawa ang sumikat na TV commercial.

“Second choice ako sa commercial na ‘to. So, nagsu-shoot na sila, day one of shooting. Nakita nila na ‘yung napili nila, kulang sa ang term nila, ‘landi.’ Kulang sa spunk, I guess,” nakangiting kwento sa amin ni Ina sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi raw inaasahan ng dalaga pa lamang noon na siya ang mapipili para gumawa ng TV commercial. “Nasa gimikan ako no’n. nasa Padi’s Point ako. Tipong drinking, having fun. Biglang tumawag at sinabi, ‘Umuwi ka na, may shoot ka bukas at 6 a.m.’ And that call was like 12 midnight. Pero ‘yon na, the rest is history,” pagbabalik-tanaw niya.

Maraming pelikula at programa sa telebisyon ang nagawa ni Ina sa nakalipas na mga dekada. Limampung taong gulang na ngayon ang aktres. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay posibleng magpaseksing muli sa pelikula si Ina. “If the script is good, and the director, I would love to work with a great director. I would do it,” giit ni Ina.

Kabilang ngayon ang aktres sa The Secrets of Hotel 88 kung saan ginagampanan ang karakter ni Frida Almazan. Si Frida ang ina ng karakter ni Mika Salamanca na si Luna, Leon na karakter ni River Joseph, Justin na karakter ni Josh Ford at Jade na karakter naman ni Bianca de Vera. Napahanga umano si Ina sa mga nakatrabahong mga kabataan ngayon. “Wala akong masabi sa mga batang ‘to. Napaka-hardworking, and minsan makikita mo rin talaga at the end of the day. They’re exhausted. Pero the next day, laban ulit. Nakakabilib,” paglalahad ng aktres.

Parang mga tunay na anak na ang turing ni Ina sa mga kasamahan sa serye. “Si Mika, si Bianca, ang sweet-sweet, laging nakayakap. When I hug them, I feel like I’m hugging my girls. Hindi ako naho-homesick,” pagtatapos ni Ina.

(Reports from JCC)

INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with