^

PSN Showbiz

DongYan movie, hindi sasabak sa MMFF!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
DongYan movie, hindi sasabak sa MMFF!
Marian at Myka
STAR / File

Hindi pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) ang gagawing pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Star Cinema.

Actually, tipid na tipid ang sagot ng actor tungkol dito nang tanungin namin sa grand opening ng Wonder Society, isang private family membership club sa Greenhills Mall na ang isa sa mga may-ari ay ang kanyang misis.

Basta tuloy na tuloy raw ang nasabing pelikula sabi ni Dingdong na all-out ang support sa bagong negosyo ni Marian.

Pero buong team din ng pelikulang Rewind ang gagawin nilang pelikula this year.

Winasak ng 2023 MMFF entry na Rewind ang box office record nang kumita ito ng more than P1 billion sa takilya.

Samantala, bongga nga ang bagong baby ng Kapuso Primetime at Box-Office Queen, ang premiere kiddie clubhouse na pormal nang binuksan nitong Martes ng hapon.

Ang one-stop private family social club at luxury children’s edutainment center ay matatagpuan sa sprawling 3,000-square meter Roof Deck ng Greenhills Mall sa San Juan, Quezon City.

Katuparan nga umano ito ng matagal nang pangarap ni Yan na makabuo, hindi lang ng isang playground para sa mga bata, kundi ng isang safe learning community kung saan pwedeng mag-bonding ang buong pamilya.

Co-owner/co-founder ng aktres sa Wonder Society ang content strategist at inang tulad niya na si Myka Sy.

Sa grand opening, ibinahagi ni Yan na hindi siya nakatanggi nang alukin ni Myka na maging partner dahil bilang hands-on mom at licensed educator (dating SPED o Special Education teacher ang aktres), ito raw ang gusto niya — na hindi lang basta naglalaro ang mga bata kundi natututo rin habang naglalaro.

Kaya bukod sa pagkakaroon ng state-of-the-art facility, legit din ang teachers at workshop/classes na ino-offer dito.

Ayon pa kay Yan, mismong ang mga anak nila ni Dingdong Dantes, super na-amaze sa Wonder Society dahil ngayon lang nakapasok ang mga ito sa ganitong klase at ganito kalaking playground dito sa ‘Pinas.

Ang ganda ng loob at very safe. “At siguro naging mas extra special siya kasi ang daming activities na ginagawa, hindi lang siya naglalaro. So ‘yung anak kong babae ang nagustuhan niya dito is perfume making.

“‘Yung anak kong babae parang nandun siya sa baking (si Sixto naman, more on crafts). So ang daming io-offer, sabi nga namin dito ni Myka, example, you as a parent, ito ‘yung gustong matutunan ng anak ko, example lang, gusto naming matuto ‘yung anak ko na mag-laundry. Maglaba ng something. Pwede namin ‘yang gawin at matutunan ng mga anak nila. So kung may mga request ‘yung mga parents na gusto n’yong matutunan ng mga anak n’yo, willing ang Wonder Society na gawin ‘yang program na ‘yan, especially for you.”

Siyempre, ang numero unong rason raw sa kanila ang pagiging safe ng lugar na kakabit ng peace of mind ng mga magulang ng mga bata na major consideration na gawin itong exclusive sa member families.

“Ito ay membership siya, hindi siya pwedeng walk-in. So kaya ang ginagawa namin dito, exclusivity talaga ‘yung ine-encourage natin,” paliwanag ni Yan, “para lahat magkakakilala at dine-design natin (ang activities) para sa kanila.”

Ang ilang master classes o workshops na ino-offer ng lugar ay soap making, cupcake baking, floral arrangements, dancing, science experiments, finger painting, clay molding, painting, house chores, drawing, social etiquette, theatre acting, 3D printing, sewing, planting at marami pang iba.

Meron din itong parenting class, family workshops, social events at very soon, nanny class para sa mga wonder yaya. Gaya ng sabi ni Yan sa hard hat preview nito nung nakaraang taon, ang Wonder Society ay “more than just a playground. It’s a learning community where kids can explore real-life activities, build confidence and grow through fun and imagination.”

Namataan din sa okasyon ang ilan pang mga personalidad gaya nina San Juan Mayor Francis Zamora, Camille Prats, Rossel Taberna, partners/founding members ng Wonder Society, atbp.

MMFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with