Model/actress nabuntis ng karelasyong naglalaro, naunahan ang kapatid na aktor na may karelasyong aktres din!
Kinumpirma ng aming reliable source na nagdadalangtao na si model/actress na dyowa ng isang kilalang male personality.
Excited sila sa blessings na dumating sa kanilang buhay. Pero siyempre, wala raw ito sa plano, pero nagbunga ang kanilang pagmamahalan at masaya naman daw nila itong tinanggap.
Ang pinoproblema ni model/actress, kung paano niya ito mabubunyag sa kanilang relihiyon.
Mahirap ang samahan nilang ‘yun na mahigpit pagdating sa morality. Kailangang ikasal muna bago mabuntis. Kaya ito ang isa sa inaalala nila ngayon, kung paano ito tatanggapin ng kanilang relihiyon.
Kapatid ng sikat na aktor si model/actress at tiyak na matutuwa ito na magkakaroon na siya ng pamangkin.
Ang inaasahan pa naman sa kanilang pamilya ay mauuna itong magka-baby dahil matagal na rin ang relasyon nila ng kilalang aktres.
Naunahan pa siya ngayon ng kanyang bunsong kapatid.
Hindi lang mabanggit kung saang larangan kilala si male personality, dahil tiyak na mahuhulaan kung sino itong tinutukoy natin.
Beauty, pinag-usapan sa ginawang paglublob kay Kris sa cake!
Sumuporta si Beauty Gonzalez sa pelikulang Huwag Kang Titingin na nag-showing na sa mga sinehan kahapon.
Sandali ko siyang nakatsikahan sa premiere night nito na ginanap sa SM The Block noong Lunes.
Napag-usapan namin ang nag-viral na eksena ng House of Lies na paglublob niya kay Kris Bernal sa cake.
Ginawa rin ito ni direk Gina Alajar sa Nagbabagang Luha na kung saan ay nakatikim ng backhand slap si Claire Castro at sinampal ng cake sa mukha.
Ang lakas ng dating ng eksenang ‘yun at pinag-usapan online.
Ganundin ang nangyari sa House of Lies na kung saan ang lakas ng suntok niya kay Mike Tan at inilublob si Kris sa mahabang cake.
Sabi ng ilang artista, sinasadya raw talaga ito pagdating sa afternoon drama, para magising ang mga manonood na sa halip mag-siesta ay manood na lang ng teleserye. “Sa totoo lang, sa totoong buhay, OA naman talaga ang reaksyon mo ‘pag malaman mo na... tapos magkasama kayo sa isang bahay. Labing-anim na taon, itinago sa akin.
“Siguro ako... baka ikaw sobra pa. Kulang pa nga ‘yung suntok ko kay Paolo e, kay Mike Tan. Dapat flying kick pa,” sagot sa amin ni Beauty.
“Pero alam mo naman soap opera, kailangan talaga exagg. Hindi naman afternoon or evening. ‘Pag soap opera, kailangan talaga i-all-out ‘di ba?
“And at the same time, nakakatuwa naman na makalimutan ng tao ang pagtaas ng presyo ng gas sa panahong ‘yun.
“I’m happy sa suporta at nag-trending ‘yung show naming ‘yun,” dagdag niyang pahayag.
Sa hirap ng buhay ngayon, talagang kinakaya na lang ng mga artista kahit ilublob sa cake o sa putik, basta may trabaho.
In fairness sa House of Lies, gumaganda na ang ratings nito pati ang ibang afternoon drama.
Noong Martes ay naka-6.2 percent ang Born To Shine, ang House of Lies ay 5.9 percent at ang Apoy sa Dugo ay 4.4 percent.
Serye nina Sharon at Barbie, papasukan ng maraming artista
Pagkatapos magpasiklab ang Netflix kung ano ang aabangan sa naturang streaming service ngayong taon, noong Martes naman ay meron ding presentation ang Prime.
Dinagsa ng kilalang stars ang Prime Video Presents Philippines 2026 na ginanap sa The Fifth at Rockwell. Puting-puti ang motif na suot ng mga artistang dumalo.
Nagkalat ang ilang vloggers para kunan ang mga artistang dumagsa doon sa Power Plant.
Kuhang-kuhang magka-holding hands sina Janella Salvador at Klea Pineda na naglalakad sa mall patungong event.
Keber sa mga nagtitinginan sa kanila, basta hindi puwedeng paghiwalayin ang paghahawak ng kamay.
Napaaga ang iba kaya namataan ding kumain muna sa isang restaurant sina Ivana Alawi at Joshua Garcia, kasama sina Jane Oineza at Fyang Smith.
Marami rin ang nag-abang sa pagdating ni Marian Rivera.
Tuwang-tuwang ipinost ni Barbie Forteza sa kanyang social media account ang project na pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta, ang Honor Thy Mother.
Dapat nga ay nung nakaraang buwan pa ito sinimulan. Kaya lang nagkasakit si Mega. Pero sa susunod na buwan ay lalarga na raw sila, at sana hindi na ito ma-delay.
Nakuha na namin ang iba pang artistang kasali sa seryeng gagawin nila. Pero hintayin na lang natin ang kanilang official announcement.
May mga nasagap pa kaming ilang makakasama nila na ang iba roon ay matagal nang hindi napapanood sa GMA 7. Kasama nila si Sharon na magbabalik-Kapuso sa seryeng ito.
Marami ngang aabangan pa sa Prime Video, maganda ring tangkilikin ito para hindi naman ma-dominate lang ng Netflix.
- Latest

























