^

PSN Showbiz

DNA Music, may handog na 5 bagong love anthem

Pilipino Star Ngayon
DNA Music, may handog na 5 bagong love anthem

Mula sa paghahanap ng espesyal na taong magsisilbing safe space sa oras ng pagsubok hanggang sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas na pag-ibig, may handog na bagong love songs ang DNA Music artists na sina Ben Mara, Dan Lagroma, Dan Martel, Izza Escueta at Nico Crisostomo.

Heartfelt na mensahe ang hatid ni Ben Mara sa Alagaan, kung saan binigyang-diin niya ang pananatili at pagdamay sa taong iniibig sa panahon ng kalungkutan. Mula ito sa orihinal na komposisyon ni Ben, lumaki ang baguhang singer sa pamilya ng mga mang-aawit at nabuo ang pagkahilig niya sa musika sa murang edad.

Nagsilbing guitar head si Ben ng Ateneo Musicians Pool at naging musical influences niya sina Rico Blanco, John Mayer, Ichyworms at Jimi Hendrix. Inilabas niya ang single na Exam noong 2025 sa ilalim ng DNA Music.

Mala-jeepney ride na kwento naman ang ibinida ni Dan Lagroma sa bagong kanta na Byahe ng Jeep. Isinulat at iprinodyus ni Dan ang awitin na tungkol sa kagustuhang tumakas at mahanap muli ang daan pabalik sa pag-ibig.

Noong Pebrero, inilabas ng Kapamilya singer ang extended play (EP) na Throwback Vol. I tampok ang limang song covers.

Handang tumaya sa pag-ibig si Dan Martel sa bagong awitin niya na Ipakita Mo Lang. Mula sa komposisyon ni Dan at Joseph Ponce, at produksyon ni Dan Simon, ang kanta na umiikot sa pagdadalawang-isip na sumubok na umibig.

Relatable na mensahe tungkol sa one-sided love ang ibinahagi ni Izza Escueta sa debut single na Aguy!

Isinulat ni Izza at iprinodyus ni Ryan Sarmiento ang awitin na tumatalakay sa pagiging manhid ng taong iniibig. Mula sa Mindanao ang singer-songwriter na unti-unting gumagawa ng pangalan dala ang distinct na pop-rock style.

Madamdamin naman ang dating Idol Philippines season 2 contestant na si Nico Crisostomo sa bagong single na Wala Na. Nakasama ni Nico sa pag-compose sina Kevin Yadao, Roly Halagao at Angelo Zipagan na nagsilbing producer din ng awitin.

Inaalay ni Nico ang awitin para sa mga taong binabalikan ang alaala ng dating pag-ibig, habang unti-unting natutong pakawalan ang taong mahal. Noong 2025, inilunsad ni Nico ang debut single na Dahan-Dahan at ilan sa kanyang musical influences ay sina Justin Bieber, Bruno Mars at Ed Sheeran.

MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with